in

Yumaong ina ekta-ektaryang lupa ang ipinamana sa kanyang mga naiwan na anak

Isang ina ang sinurpresa ang kanyang mga anak sa pamana niya para sa mga ito.

Umabot sa limang ektaryang lupa ang iniwan ni Nanay Leoning Suque. Ang nasabing property ay nasa Bicol.

Ito ay minana umano ni Nanay Leoning mula din sa kanyang ina. Labing-isa ang naging anak ni Nanay Leoning, na binuhay nito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa palengke ng Cainta, Rizal.

Ang kanyang kwento ay ibinahagi ng kanyang anak na si Noel Suque at na-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Ayon kay Noel, isa sa mga anak ni Nanay Leoning, kahit lumaki sila noon sa kahirapan, sagana naman sila sa pagmamahal at magandang pag-uugali dahil sa ganoon sila pinalaki ng kanilang mabait at masipag na ina.

Ani Noel, nakalimutan na nila ang tungkol sa lupa na binanggit ng ina sa kanila.

Napag-usapan na lang nila uli iyon ng mga kapamilya makalipas ang 17 taon nang isang tiyahin naman nila ang pumanaw noong July 2021.

Sinabihan sila ng kanilang mga kamag-anak na silipin ang lupa ng kanilang ina dahil matagal nang walang tumitingin doon.

Nang puntahan nila ay namangha na lamang sila sa kanilang natuklasan…

Ang ipinamana pala sa kanila ni Nanay Leoning ay hindi ordinaryong lote o kapirasong lupa lang.

Umaabot iyon sa limang ektarya ang lawak!

Nasasakop din nito ang burol at bahagi ng isang ilog—at malapit sa 50-feet tall Bagacay Falls!

At malapit pa ito sa kinatitirikan na isa pang tagong yaman ng kanilang bayan!

Nakita rin agad ni Noel ang potensiyal ng lupain para sa negosyo. “Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.”

Emosyunal pa niyang sambit habang nakatingin sa ilog na kulay asul ang tubig, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko.’”

Sa gitna ng moving on stage, LJ Reyes namataan na nag-eenjoy sa New York Fashion Week

Julia Barretto aminadong hindi mapapantayan si Claudine Barretto, ibinahaging hanga siya sa galing ng tiyahin