in

Yumaong dating asawa ni Jose Manalo, inalala ng kanyang mga anak sa social media

Dating asawa ni Jose Manalo, inalala ng kanyang mga anak sa social media.

Yumao na ang dating asawa ni Jose na si Anna Lyn Manalo noong January 14, 2022. Bumuhos ang pakiki simpatya ng kanilang mga kaibigan sa mga naiwan ni Anna Lyn.

Nabalot man ng kalungkutan ang lahat dahil sa balitang ito, nag balik tanaw ang limang mga anak ni Anna Lyn sa mga masasayang alala na kasama siya.

Sa kanyang Facebook, nag post si Donbie Manalo ng larawan kasama ang kanyang ina. Kalakip nito ang lyrics ng kanta ng Carpenters na You. Maging ang kanyang asawa ay nag bahagi ng kanyang tribute.

Pinangako naman ng asawa ni Donbie na hindi niya pababayaan ang anak nito maging ang mga kapatid.

Sa Instagram naman nagbahagi ng kanyang mensahe para sa ina si Myki na inupload ang larawan nilang magkakapatid na kuha mula sa burol mismo ng dating asawa ng Eat Bulaga host.

Habang ang aktor na si Nicco Manalo naman ay tanging itim na larawan ang naka upload sa Imstagram bilang pag gunita sa kanyang ina. Simpleng caption lang ang kanyang nilagay ngunit malalim dahil ito ang petsa kung kailan yumao ang ina.

Acrobat video ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay nagpawindang sa maraming netizens

Celebrity couple na sina Carlo Aquino at Trina Candaza, pinaghihinalaan ng mga netizens na hiwalay na