in

Young actress na si Faith Da Silva maswerte daw kay Albert Martinez ayon kay Lolit Solis

Nagbigay ng kanyang opinyon si Lolit Solis ukol sa relasyon diumano nina Faith Da Silva at Albert Martinez.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Lolit na maswerte daw ang young Kapuso actress sa veteran actor. Dahil aniya isa daw ito sa pinakamayamang artista sa local showbiz.

“Maganda pala ang batang bata na si Faith da Silva na nali link kay Albert Martinez. Sabagay, sa edad ni Albert Martinez matikas parin at goodlooking kaya hindi rin kataka taka na magkaruon ng spark ang pagsasama nila ni Faith,” panimula ni Lolit.

Saad pa nito, “At suwerte din niya kay Albert dahil isa ito sa pinaka mayaman artista natin sa showbiz. Magiging kampante at maayos ang buhay niya sa piling ni Albert kung sakali at matuloy sa pagsasama ang kanilang relasyon.”

Nagbigay din ng komento si Lolit sa pinagbibidahang teleserye sa GMA nina Albert at Faith.

“At kahit nga umpisa pa lang ma intriga na ang Las Hermanas, bongga parin rating nito. Kaya happy silang lahat. Malay nyo, magkaruon ng wedding bells, di ba, bongga ha!”

Narito ang kabuuan ng post ni Manay Lolit:

Sa mga nakalipas na panayam ng dalawa, hindi naman nila itinanggi o kinumpirma ang tunay nilang ugnayan.

Six years nang biy’ud0 si Albert ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ibang nakakarelasyon.

Liezl Sicangco nagbigay ng kanyang reaksyon sa interview ni Kylie sa amang si Robin Padilla

Dahil sa kanilang biruan, Ellen Adarna gusto ng hiwalayan ang asawang si Derek Ramsay