in

“You will always be my favorite “SAWSAWERO” Amy Perez inalala ang namaalam na kaibigan na si Hans Mortel

Kahapon, July 14, ay namaalam na ang stand-up comedian at TV Host na si Hans Mortel.

Inanunsiyo ng kapatid ni Hans ang pagpanaw nito sa pamamagitan ng Facebook.

Sabi ni Jean Mortel Chupungco, tatlong buwang nakipaglaban si Hans sa hindi tinukoy na sakit sa ospital.

Pero hindi na rin nito nakayanan pa ang medikasyon.

Mensahe ni Jean: “Gone too soon! You fought a hard battle. Thank you for giving it your all.

“I know you tried so hard for us. It’s ok, you fought for 3 months. We fought the battle with you.

“And now you can rest in peace. I will be comforted by the thought that you’re with Papa and Mama Azon now.

“And you’re face to face with our Lord. It hurts so bad, to let you go, but you deserve to rest. Know that we love you and we always will.”

Si Hans ay dati ring co-host ni Amy Perez sa Face to Face ng TV5.

Siya ang tagakuha ng mga mga hinaing at komento ng audience ng show na kung tawagin ay “sawsawero’t sawsawera.”

Kaya naman sa kanyang social media post ay nagbigay tribute si Amy para sa kaibigang si Hans.

“A true friend is never truly gone. Their spirit lives on in the memories of those who loved them,” panimula ni Tyang Amy.

Dagdag pa niya, “Salamat sa love mo at lahat ng magaganda nating memories together.
You will always be my favorite “SAWSAWERO” I will miss you.No more pain. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ.My Deepest Sympathy to his family.”

Kalakip nito ay ang black and white na litrato nila ni Hans an magkasama.

JM De Guzman itinuturong dahilan sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Buboy Villar hinangaan ng marami dahil sa pagiging ulirang ama kahit hiwalay na sa foreigner na girlfriend