in

Yoga videos ng engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay pinagpepyestahan ngayon online

Usap-usapan na naman ngayon all over social media ang engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Simula ng aminin nina Derek at Ellen sa publiko ang kanilang relasyon ay marami na ang sumubaybay sa kanila.

Lagi din nagbibigay ng update ang magkasintahan sa mga activities nila sa araw araw nilang pagsasama.

Kamakailan nga lamang ay naging trnding topic online ang mga yoga posts ng magkasintahan.

Unang ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang “flexibility” pagdating sa pagwo-workout sa pamamagitan ng tinatawag na “elaborate kissing-while-doing-yoga” pose.

Dito makikita ang pagyo-yoga ng dalawa sabay halikan gamit ang iba’t ibang posisyon.

Binahagi din ni Ellen ang morning routine nila na aniya ay stretching umano nila ni Derek. Makikitang ginagawa nila ito sa loob ng banyo.

At syempre may kasama pang lambingan.

At mukhang kinakarir na nga nina Ellen at Derek ang ganitong klase ng workout kung saan napagsasama nila ang romance at fitness goals.

Dahil kamakaialn lamang ay isang video nila ang naging usap-usapan talaga sa social media. Partikular na sa Facebook.

Makikita kasi sa nasabing video ang kakaibang pagbibiro ni Derek habang nagyo-yoga sila ng nobya.

Habang nagbebending body si Ellen ay biglang sinundot ni Derek ng kanyang paa ang nasa gitna ng hita ng aktres.

Kaya naman muling bingyan ng malisya ito ng maraming netizens.

Bagamat may mga humanga sa acrobatic post ng dalawa, ilan naman ang nagsabi na tila “offensive” ito

Ngunit hindi ito alintana ng magkasintahan, ine-enjoy lang nila ang kanilang relasyon. At patuloy lang sila sa pagpapakilig sa isa’t-isa.

Panoorin dito ang nasabing video:

Mga kapatid ng komedyanang si Mahal, ibinahagi ang mga naramdaman nito bago mamaalam

Cristy Fermin binawi ang unang pahayag, kinumpirma ng sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video