in

Yen Santos at Paolo Contis pasimple nga bang nagpalitan ng message sa kani-kanilang IG Stories?

Muli na namang usap-usapan sina Paolo Contis at Yen Santos nang dahil sa ‘floss’

Pasimple umanong nagpalitan ng kanilang mensahe sina Yen at Paolo sa IG Stories. Ito agad ang napansin ng mga netizens.

Una kasing nag post si Yen ng kanyang litrato na pinakita ang white pearl teeth at may caption na “do you floss though?”

Sunod na nag-post sa IG Stories si Paolo ng larawan niya at ang caption ay “Nag suklay, pero di nag-floss.”

Ayon sa maraming netizens ay paniguradong sagutan ito ng dalawa. Hindi man nila pinangalanan ang isa’t-isa ay very obvious naman umano na konektado ang kanilang IG Stories.

May nag-comment pa na sa IG Stories na lang nag-uusap sina Paolo at Yen para hindi masyadong halata.

Matatandaan na hindi na active sa social media si Yen. Magmula ng madawit siya sa hiwalayan nina Paolo at LJ Reyes.

Hindi man nagbigay ang aktres ng kanyang opinyon sa pagturo sa kanya bilang third party si Paolo naman ang nagsalita ukol dito.

Itinanggi niya na may relasyon sila ni Yen at iginiit na magkaibigan lamang sila. At doon na nga nagtrending ang nagpunta sila ng Baguio’as a friend’

Ayon naman kay Lolit Solis na kaya nagpasama si Paolo kay Yen sa Baguio ay dahil masarap itong kausap at para itong “mother figure” sa aktor.

Pero magpasahanggang ngayon ay naniniwala ang marami na may ibang ugnayan talaga sina Yen at Paolo.

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado hindi inaasahan ang blessings na darating sa kanilang magkasintahan

Cristy Fermin isiniwalat ang sinabi diumano ni Vice Ganda ng biglang sumikat ang AlDub at napataob ang ratings ng It’s Showtime