in

Yassi Pressman enjoy na enjoy sa buhay probinsya sa napakagandang isla ng Siargao

Marami ang humanga sa aktres na si Yassi Pressman sa pag-eenjoy nito sa simpleng pamumuhay sa Siargao.

Kitang-kita ang saya sa mga mata ni Yassi habang nakabakasyon siya ngayon sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte.

Sa kanyang Instagram post nga ay ibinahagi niya ang isang video kung saan tuwang tuwa siya sa pagligo sa poso.

Wagas ang ngiti ng aktres sa nasabing video habang nagbabanlaw makatapos niyang mag-surfing. Laya naman pinasalamatan ng aktres ang mababait na lokal ng Siargao.

Saad ng dalaga sa kanyang caption, “Buhay probinsya!!!!! The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na magrinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab.”

Bukod sa pagse-surf, mas naging memorable pa ang pagbisita ng dalaga sa napakagandang isla dahil muli silang nagkita at nagkasama ng kaibigang si Andi Eigenmann makalipas ang mahabang panahon.

Nagbahagi rin siya ng ilang litrato na kuha sa pinuntahan niyang surf camp kasama ang ilang local instructors.

Enjoy din ang aktres sa paglibot sa isla habang siya ay nagmomotor.

Pati na din ang paglalakbay niya sa tabing dagat at ang pagkahilig niya sa mga aso doon ay kinagiliwan ng maraming netizens.

Mga suot na alahas ni Heart Evangelista sa Balesin Island milyones ang halaga

Kapamilya actress na si Riva Quenery lubos ang kasiyahang nadarama ng isilang na ang kanyang anak