in

Xian Lim nagbagong taon nang may sugat sa ulo dahil sa kagat ng buwaya!

Nagalala ang mga tagahanga at tagasuporta ng aktor na si Xian Lim.

Nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon, kanya-kanya ang mga artista sa kanilang mga vacation trips bilang selebrasyon. Isa na dito ang bagong Kapuso actor na si Xian Lim.

Bilang bahagi ng kanilang Holiday, nakasama ni Xian ang kanyang ina at lola. Nagpunta sila sa Zoobic Safari.

Sa kanyang social media accounts, nagbahagi ang nobyo ni Kim Chiu ng mga larawan kasama ang kanyang mommy at lola na kuha sa Zoobic.

“We had a quick adventure today! Brought my mom @mommymaryanne and lola to the @zoobicsafari today. They had so much fun!” caption niya sa kanyang facebook post.


Sa isang larawan, makikita na nilusot ni Xian ang kanyang ulo sa bunganga ng statwa na buwaya na tila ba ay kinakagat siya nito.

Bukod sa picture, nakuhaan din sa isang maiksing video ang pangyayari. Hindi inaasahan ni Xian na sasabit sa pangil ng buwaya ang kanyang ulo. Tatanggalin na kasi sana ng aktor ang kanyang ulo sa bunganga ng buwaya pero sumabit siya dito.

Sa hiwalay na post sa kanyang Instagram, binahagi ng Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo star ang naturang video.

“Bawi nalang sa 2023,” pabirong caption pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

House Tour gone wrong: Vice Ganda may nakitang gamit na underwear ni Hayden Kho sa kama ni Dra. Vicki Belo!

Dra. Vicki Belo first time lang nakakita ng katol, hindi alam kung paano ito gamitin