in

Xian Gaza nag-pm kay Carla Abellana, nais linawin ang isyu na nakabuntis diumano ng iba si Tom Rodriguez

Umarangkada na naman ang self proclaimed pambansang Marites, internet personality at negosyante na si Xian Gaza.

Kilala si Xian na laging may say sa mga isyung napapanahon. Hindi siya nagpapahuli kung ano man ang trending.

Mapatungkol man sa mga simpleng tao, pulitiko, at syempre tungkol sa mga artista. Hindi pepwedeng wala siyang sasabihin sa bawat viral stories ng mga celebrities.

Kahapon nga lamang, ay naging mainit ang usapin sa hiwalayan diumano. Ng newlywed couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Umugong ang balitang ito ng mapansin ng ilang netizens na naka-unfollow na ang mag-asawa. Sa kani-kanilang IG account.

Kapansin pansin din na wala silang bagong photos together. Dumaan man ang pasko at bagong taon ay wala silang ganap.

Kaya naman mas lalong naging haka-haka ng publiko na baka hiwalay na nga sina Tom at Carla. Na halos tatlong buwan pa lang ang nakakalipas ng magpakasal sila.

At bilang isa sa pinaka intrigero, agad na nagmensahe si Xian kay Carla. Aniya hindi siya makatulog at bumabagabag sa kanya ang isyung kanyang nasagap.

Mababasa sa private message ni Xian kay Carla. “Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands. May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po yung mental health ko”

As of this writing, wala pang sagot si Carla sa mensaheng ipinadala ni Xian Gaza.

Caretaker ng lupain na sumasakop sa puno ng mangga na pinitasan ni Lolo Narding, nagsalita na!

Bea Alonzo may prangkang sagot sa netizen na nagsabing dapat bumuo na rin siya ng sarili niyang pamilya