in

Xian Gaza ipinagtanggol si AJ Raval laban sa naging pahayag ni Barbie Imperial

To the rescue si Xian Gaza para dipensahan si AJ Raval laban sa maaanghang na pahayag ni Barbie Imperial.

Viral nga ang video clip ng interview ni Boy Abunda kay Barbie. Kung saan nagbigay ng kanyang reaksyon ang aktres tungkol sa isyu na kinakasangkutan ng nobyong si Diego Loyzaga.

Isiniwalat kasi kamakailan ni Xian na dinadalaw umano ni Diego si AJ Raval sa Pampanga. Habang hinihintay siya ni Barbie sa Maynila.

Sa nasabing panayam, sinabi din ni Barbie na napagalaman niyang magkaibigan sina Xian at AJ. At ang aktres daw ang nagbibigay kay Xian ng mga impormasyon o mga chismis.

Diretsahang din ang naging pahayag ni Barbie para kay AJ. Aniya,  “Yung about kay AJ Raval, for me kasi, kung wala kang kinalaman, or alam mong hindi ka kabit ni Diego, mag salita ka.”

At syempre hindi naman papahuli si Xian sa trending na balitang ito. Agad siyang bagbigay ng kanyang pahayag laban sa mga paratang ni Barbie.

Sa kanyang Facebook post saad ni Xian, “Barbie Imperial fake news ka, Sis. Ginawa mo pang source si Aj Raval hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenzone ko na lang para wala nang mahabang usapan pa. Pinili lang niya siguro manahimik ngayon dahil sobrang natuto na siya last time nung tsinismis ko sila ni Aljur Abrenica.”

Sa ngayon ay wala pa namang sagot si Barbie sa reaksyon na ito ni Xian sa kanyang mga pahayag.

Sikat na social media influencer na si Rosmar Tan ikinasal na, nakatanggap ng regalong 1M pesos mula sa kanyang mga magulang

Milyong halaga ng proyekto nawala kay Albie Casiño nang dahil kay Andi Eigenmann