in

Xian Gaza agaw atensyon na naman sa social media; sinabing iisang hotel room lang ang tinuluyan nila Yen Santos at Paolo Contis

Kumuha na naman ng atensyon ng netizens ang self-proclaimed “Pambansang sc4mmer” na si Xian Gaza.

Isa din kasi si Xian sa mga dakilang Marites sa social media at gusto niyang updated din siya sa mga usaping showbiz.

Katulad na lamang ng issue ngayon na hindi matigilan tungkol sa “as a friend” nina Paolo Contis at Yen Santos.

Noong November 20, nagdiwang si Yen ng kanyang ika-29 na kaarawan. Pero bago pa man ang mismong birthday niya, nakatanggap na ng bouquet of flowers ang aktres na hinihinalang bigay ni Paolo Contis sa kanya.

Kinabukasan, tila simple lang ang naging selebrasyon ng espesyal na araw para sa former Pinoy Big Brother housemate.

Nag post ang controversial actress sa kanyang Instagram story ng “Birthday dinner” kasama ang larawan ng romantic tent sa beach na may naka set up na table for two.

Malaki ang pagkakahawig nito sa naging selfie din ni Paolo na may parehas na background. “Dinner time” naman ang caption ng aktor dito.

Dahil dito, mabilis na naghinala ang mga netizens na magkasama ang dalaw para sa kaarawan ni Yen.

Hindi din nagpahuli si Xian tungko, dito. Agad siyang nag post sa kanyang Facebook account.

Sinabi ni Xian na iisang hotel lang ang tinuluyan ng dalawa noong gabing iyon.

Post pa ni Xian, “MARITES UPDATE: Kaka-check out lang ni Paolo at Yen. Nagbayad sila ng half-day penalty for late check out using Metrobank credit card kasi na-decline daw yung Citibank. Pauwi na sila ngayon.”

Agad naman ito umani ng maraming shares at reactions.

Dinner date as a friend yan?

Mga kaganapan sa civil wedding nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo inilabas na!

China Roces hinangaan ng marami sa pagpayag nitong makita na ni Tim Sawyer ang kanilang anak