in

Xander Ford nabengga na naman ng mga bashers pagtapos nitong isama ang sarili sa K-Pop group na Enhypen!

Xander Ford, gigil na naman ang mga netizens!

Galit na galit na naman ang mga netizens lalo na ang mga K-pop fans kay Xander Ford.

Ito ay matapos mag self-proclaim ang binata na siya ang bagong miyembro ng all boys group ng South Korea na Enhypen.

Maraming kabataan talaga ngayon ang nahuhumaling at sumusuporta sa mga Korean Pop groups. Isa na dito ang Enhypen na tila ipinagdarasal ni Xander na siya ay makasali.

Sa kanyang Facebook account, nag post si Marlou Arizala ng kanyang picture na may suot ding panyo sa kanyang noo.

Isinama niya ang kanyang larawan sa mga photos ng nasabing boy group.

“New kpop group Enhypen,” caption niya.

Bukod dito, meron pa siyang post na may hawak na bulaklak at may caption na, “ENHYPEN NEW MEMBER- XANDER”

Hindi natigil si Xander dito at nag post pa ng dalawang larawan kung saan nire-enact niya ang photoshoots ng Enhypen.

Katulad ng inaasahan, inulan ng komento mula sa mga netizens ang ngayon ay “laos” nang “social media influencer.”

Karamihan sa mga comments ay ang mga K-Pop fans na galit at gigil sa “kahibangan” umano ni Marlou.

Xander Ford, hindi ka ba nagsasawang ma-bash?

Mahal Tesorero, dinalaw daw ang kanyang kapatid na si Jason Tesorero matapos na may dumapong paru-paro dito

Alex Gonzaga nakunan umano base sa Instagram post ni Lolit Solis! “Very sad na mawala ang baby mo…”