in

Xander Ford kinainisan ng BTS Army nang sabihin niyang kamukha niya daw si Park Jimin

Trending nanaman ang internet personality na si Xander Ford.

Proud na proud na nagpost ng kanyang mga larawan si Marlou Arizala o mas kilalang Xander Ford ngayon.

Aniya siya daw ay kamukha ng sikat na miyembro ng South Korean Boyband Group na BTS na si Jimin.

Kalakip ng kanyang post ay ang mga litrato kung saan ginaya niya ang mga outfit at pose ni Jimin.

Binansagan pa niya mismo ang kanyang sarili na Pambansang Oppa ng Pilipinas.

Hindi pa nga natapos dito ang ilusyon nitong si Xander at nagpost pa ng video ng kanyang photoshoot.

Kung ang ilang ay natuwa sa kanyang post, marami naman ang nainis sa kahambugan daw umano ng binata.

Gigil na gigil sa kanya ang napakaraming miyembro ng BTS Army.

May ilan pa ngang nagsabi na baka daw nawawala na sa matinong pag-iisip si Xander.

Dahil hindi na umano nito alam ang kanyang mga sinasabi.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Kulang ka ba sa clout, kinareer mo na din yung park jimin ph. Kulang nalang gawin mo na ding eyeshadow yung lip tint. Jusko naman.”

“Binansagan kaba talaga na parkjimin ng ph? Ikaw lg nman nag sabi niyan eh selfproclaimed amp.”

“Ayaw ko sana mangbash eh kaso sumosobra na sya hahahahaha layo mo po sobra Kay jimin haystt.”

“Kung idol mo siya, idol Lang ha, wag trying hard para maging kamukha siya Kasi Ang layo”

“tulog mo nalang yan….sumobra ata tinurok ng plastic surgeon sau kaya naapektuhan ang mata at utak mo”

“Nakatawa sakit tyan kooooo ph jimin daw ampp”

Si Marlou Arizala ay binash noon dahil sa hindi magandang itsura at ugali, binigyan siya ng make-over at inayos ang ugali subalit hanggang ngayon ay inuulan parin siya ng pang babatikos dahil sa mga hakbang nito at desisyon sa buhay.

Litrato ng mag-amang Erwan Heussaff at Baby Dahlia Amelie parang pinagbiyak na bunga!

Rommel Padilla ipinasilip sa madla ang napakalawak niyang palayan sa Nueva Ecija