in

Willie Revillame napagkamalang sc@mmer ng isang bagong panganak na misis

Hindi magkamayaw sa kakatawa si Willie Revillame ng mapagkamalan siyang sc@mmer ng isang babae.

May mga nakakatuwang pagkakataon na hindi maiiwasan lalo na sa live TV. Katulad ng naexperience ni Kuya Wil sa kanyang show na Wowowin.

Sa isang segment kasi ng kanyang show, ramdom na pipili si Kuya Wil sa mga viewers online. At kanya itong tatawagan.

Dahil hindi naman agad nagpapakilala si kuya Wil at hindi naman kilala ng mga napiling contestant kung sino ang kausap nila sa telepono, inaakala tuloy nila na nagti-trip lang ang caller.

Nakaraan nga ay namura pa si Kuya Wil ng kanyang natawagan dahil akala nito ay nil0l0ko lamang siya ng host.

At nito lamang kamakalawa ay muli na namang naulit ang ganoong pangyayari. Kinailangang kantahan pa ni Willie Revillame ang lucky caller na bagong panganak para makumbinsi ng TV host na hindi siya sc@mmer.

Sa kanilang pag-uusap bungad ni Kuya Wil, “Hello? Sino to? (sumagot naman din ang babae na mainit ang ulo). Sino ‘to? Anong ginagawa mo? ‘Wag ka magalit. May sasabihin nga ako sa ‘yo, mayroon akong magandang balita.”

Pero binabaan si Kuya Wil ng telepono ng ginang na kanyang tinawagan. Kaya naman muli niyang tinawagan ito para alamin ang reaksyon nito.

“Bakit mo ako binabaan, ayaw mo ng jacket? Ayaw mo ng tablet? Ayaw mo ng five thousand Shopee pabonus, ayaw mo ng thirty thousand?”

“Sige sc@m pa! Manl0k0 ka pa!” sagot ng babae. “Wala ka bang TV, manood ka nga?” sagot ni Kuya Wil

“Wala! Wala akong TV!” pasigaw na sagot ng nasa kabilang linya.

Sa huli ay napag-alaman ni Willie na nasa lying-in pa ang kanyang kausap at kapapanganak pa lamang.

Hindi din ito makalabas doon dahil wala pa silang pangbayad. Kaya laking pasalamat nito sa TV Host.

Mga netizen may kakaibang napansin sa workout video ng aktor na si JM De Guzman

Candy Pangilinan nag-sorry matapos akalain na good news ang ibinahagi ni Alex Gonzaga