in

Willie Revillame nagsalita na ukol sa isyung nabuntis diumano niya si Hipon Girl kaya nawala ito sa Wowowin

Nagsalita na si Willie Revillame upang linawin ang tsismis na nabuntis niya si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Sa episode ng programang “Wowowin-Tutok To Win” nitong Huwebes, ay pinabulaanan ni Kuya Wil ang intrigang ito.

Iginiit ng 60-year-old actor-singer, TV host na “fake news” ang balitang ito.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo,” saad ni Kuya Wil.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik,” patuloy niya.

Umikot ang tsimis makaraang ilang linggo nang hindi napapanood sa show ang 24-anyos na host.

Saad pa ni Willie, “Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?”

Inihayag din ng Wowowin host na dudulog sila sa National Bureau of Investigation upang hanapin ang nasa likod ng pagpapakalat ng tsismis.

Paalala pa ni Kuya Wil, maraming fake news ngayon kaya hindi dapat basta-basta maniniwala agad ang mga tao.

Agad namang inulan ng samu’t-saring reaksyon ang pahayag na ito ni Kuya Wil.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Kuya Wil, sue those culprit so they will learn a lesson.”

“Tama yan kasuhan nyo para madala”

“Kaya nga. Mas mabuti na po Kuya will na nag reveal kapo kasi kanina nakita si hipon kasama si Ryan bang d nmn buntis…ee sa mga chismosa hintayin nyo nlng ang mukbang nila hipon at Ryan bang.Kong buntis na tlaga. Mga loko”

“Hinde Hipon ang naging Anak nyo Sir. Wil kunde Kiti kite katulad ng mga tdismosa hinde mpakali ang mga dila nila”

Narito ang kabuuan ng video:

Unang nasilayan ng maraming mga manonood sa telebisyon si Hipon Girl ng siya ay maging isa sa mga kalahok ng programang Wowowin ng maghanap ito ng mga contestant na bikini open winner para sa segment nitong “Willie of Fortune”.

Bea Alonzo inaming naging emosyonal sa pagpapaalam sa mga malalapit niyang kaibigan sa Kapamilya network

Vice Ganda tila may malalim na hugot “Minsan may inaalagaan ka na magugulat ka nalang hayop pala”