in

Willie Revillame ipinasilip ang napakagandang hotel-resort na pagmamay-ari niya sa Tagaytay

Pinamangha ni Willie Revillame ang maraming netizens sa kanyang Santorini inspired hotel-resort sa Tagaytay.

Pnasamantalang ineere sa nasabing property ni Kuya Wil ang kanyang programang Wowowin. Ito ay dahil na rin aniya sa patuloy na pagtaas ng positive cases sa C0VlD.

Ayon kay Kuya Wil ERU ang ipinangalan niya sa kanyang hotel-resort sa Tagaytay. Aniya, nakalagak daw kasi ito sa Barangay Iruhin sa Central Tagaytay kaya ito ang ipinangalan niya.

Hindi pa bukas sa publiko ang kanyang hotel-resort at restaurant dahil bukod sa wala pa siyang nakukuhang mamamahala rito, mahirap pa din umanong magbukas dahil sa p4nd3mya.

“Ang weather ho dito ang advise ko lang hindi lang ho kayo naka-pants, naka-sweatshirt (kundi) naka-jacket ho dahil sobra ho talaga ‘yung lamig dito pero ang sarap ng feeling talaga na malamig na may pagka-windy pa, so abangan n’yo,” ani Kuya Wil.

Ayon pa kay Willie ay puwedeng ganapin doon ang seminars, weddings at team building pero kailangan ng reservation.

Inunahan na niya na, “hindi po pupuwede dito ‘yung basta papasok kayo, hindi po. By reservations po ‘yan lahat (advance) bookings po ‘yan lahat.”

Ayon pa kay Kuya Wil tatlong ektarya ang lawak ng lugar pero isang ektarya palang ang na-develop. Na tinayuan ng hotel at ang natirang dalawa ay inaayos pa para sa private houses na tatawaging Eru Estates.

Vice Ganda may patama kay Lolit Solis matapos ang post nito tungkol sa kanya: “Ang pangit ng Marites”

Pre-debut photoshoot ni Francine Diaz kinagigiliwan ngayon sa social media