in

Willie Revillame inamin na ang tunay dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang sitcom nila ni John Lloyd Cruz

Nagsalita na si Willie Revillame ukol sa isyung nadismaya umano siya sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Kamakailan lang ay umugong ang balita na nagback-out diumano si Willie Revillame.

Sa sitcom na pinaplano niya kasama si John Lloyd Cruz at si Andrea Torres sa Kapuso Network.

Ayon sa balita, nadismaya umano si Kuya Wil kay John Lloyd dahil meron daw siyang natuklasan sa aktor na hindi niya nagustuhan sa ginanap na cash party.

Dagdag pa ang kuwentong nakipag-meeting daw si Jhon Lloyd sa mga ehekutibo ng GMA-7 nang hindi man lang siya inaabisuhan

‘Yun daw ang mga dahilan ng kanyang tampo kay John Lloyd Cruz.

Kaya naman sa panayam ni Willie sa batikang manunulat na si Cristy Fermin ay nagbigay siya ng pahayag ukol dito.

Aniya, “Ano ba? Nananahimik ako dito, bakit ba nila ako idinadamay sa mga issue kay John Lloyd? Nagtampo raw ako? Walang ganu’n!”

Gayunpaman, hindi naman itinanggi ni Kuya Wil na hindi na nga niya itutuloy ang plano niyang proyekto kasama si JLC.

Ang kanyang dahilan ay masyado na raw siyang abala sa kanyang noontime show na Wowowin.

Dagdag pa ang mga ayudang ipinapamahagi niya sa ating mga kababayan sa mga malalayong probinsya.

Pati na rin ang pagtutok niya sa mga ipinapatayo niyang hotel sa Mindoro at Tagaytay.

“Naku, para na nga akong binugbog pagkatapos kong makipag-meeting, after ng production meeting, tapos, may mga inaasikaso pa ako sa sa pang-ayuda sa mga kababayan natin.

“Lumilipad pa kami sa malalayong probinsiya, inaasikaso ko pa ang hotel na ipinagagawa ko sa Mindoro, pati ang hotel ko sa Tagaytay. Saan ko pa ilalagay ang sarili ko? Dyusko po!” paliwanag ni Kuya Wil.

Saad pa ni Willie na susuportahan pa rin niya si John Lloyd sa abot ng kanyang makakaya.

Raymart Santiago proud boyfriend, ipinakita ang suporta sa graduation ng nobyang si Jodi Sta Maria

Lovely Abella at Benj Manalo nakabili na ng sariling bahay mula sa kinikita nila sa online selling