in

Whamos Cruz pinamilhan ng Louis Vuitton ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail!

Whamos Cruz, nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula sa nobyang si Antonette Gail.

Isang araw na lang bago ang Valentine’s Day kaya naman ang karamihan ay abala na sa paghahanap ng mga regalo para sa minamahal.

Isa na nga dito ang nobya ni whamos Cruz na si Antonette Gail. Pero ang sa kanya, bigating mamahalin para sa nobyong vlogger!

Hindi nagpahuli at nagpakabog ang 18-year-old vlogger na si Antonette para sa pag bili ng kanyang regalo para kay Whamos. Sa kanyang official Facebook page, nagbahagi ng isang video si Antonette kung saan makikita ang kanyang pagbisita sa mamahaling store.

Pumila pa sa labas ng Louis Vuitton si Antonette para lang makabili ng pang regalo sa kanyang boyfriend. Pagpasok, hindi siya nagdalawang isip na bilhan ng gamit si Whamos kahit na ang mamahal ng mga presyo nito.

Binilhan niya ng belt na nagkakalahaga ng lagpas Php 20,000. Mayroon din sapatos na nagkakahalaga ng tumatagunting na Php 50,000. Pagkatapos nito ay dumerecho uwi na ang dalaga para maibigay agad sa kanyang minamahal.

Tuwang tuwa naman si whamos pagkakita pa lang sa mga Louis Vuitton na paper bags na dala ng kanyang nobya. noong una ay akala niya prank lang ni Antonette. Pero nang ibigay sa kanya ay sobrang natuwa ito.

Panuorin ang video dito:

Ogie Diaz nakakaramdam ng kasiyahan tuwing nasisilayan na nagpo-post ng video si Kris Aquino

Vice Ganda at Ion Perez kinasal na pala sa Las Vegas noong October 2021!