in

Walong magkakapatid na iniwan na ng mga magulang, niregaluhan ng bahay at lupa ni Idol Raffy Tulfo

Nabibiyayaan ng lupa’t bahay ang walong magkakapatid na ulila na sa ama at iniwan pa ng kanilang ina.

Matapos mag-viral online ang tatlong taong gulang na bata dahil sa pag-aakalang natutulog lamang ang puma’naw na ama ay nakarating ito kay idol Raffy Tulfo.

Dahil wala pang muwang ay inakala ng isang batang lalaki na natutulog lamang ang kanyang tatay. Hindi alintana ang bigat ng pangyayaring iyon.

Binigyan ni Idol Raffy Tulfo ang mga batang ito ng Php 50,000 para sa kanilang mga pangagailangan.

Napag alaman pa ng programa na hindi lang sila basta naulila kundi iniwan din umano sila ng kanilang ina.

Kung kaya’t hindi nagdalawang isip si Idol Raffy Tulfo na tulungan ang mga batang ito.

Na sa murang isip pa lamang nila ay naulila na sila sa ama at inabandona pa ng kanilang sariling ina.

Sa nakakapanlumong balita ay napagpasyahan ni Tulfo na bigyan na lamang ng sariling bahay ang magkakapatid.

Agad na nakipag-ugnayan ni Tulfo kay Mayor Lemuel Mayrick Acosta ng Oroquita City, Misamis Occidental para sa kanyang plano.

Nagkasundo ang dalawa na ang alkalde na ang bahala sa lupang pagtatayuan ng bahay at si Tulfo na ang bahala sa gastusin.

Nagbabala rin si Tulfo sa nanay ng mga bata na huwag na itong magbalak pang balikan ang mga bata.

Lalo na kapag naitayo na ang bahay.

Ang magkakapatid naman ay nasa pangangalaga ng DSWD at ni Mercilita Babao Itom na siyang nagpost ng nag viral na larawan sa social media na naging daan upang mapansin ang kalagayan ng magkakapatid.

At nitong nakaraang linggo nga lamang ay ibinahagi ni Mercelita ang napakaganda tirahan na ngayon ng walong magkakapatid.

Laking pasasalamat din ni Mercelita kay Idol Raffy na naging daan upang magkaroon ng kumportableng tirahan ang walong magkakapatid.

Buboy Villar hinangaan ng marami dahil sa pagiging ulirang ama kahit hiwalay na sa foreigner na girlfriend

Ellen Adarna tinakot muli ang kanyang fiancé na si Derek Ramsay sa ipis