in

Walang kaarte-arteng pagtitinda ni Angeline Quinto sa kalsada hinangaan ng maraming netizens

Talaga nga namang napaka down to earth ng sikat na singer-actress na si Angeline Quinto.

Kakaiba ang naging vlog ng diva na si Angeline Quinto para balikan ang kanyang kabataan noong nasa Sampaloc, Manila pa.

Sa kanyang YouTube vlog, na ‘Isang Araw na Paglalako?!’, binahagi ni Angeline na dati siyang nagbenta ng mga inumin at pagkain noong siya’y grade school.

Ang perang kinikita daw niya noon ay ginagamit niyang pambili ng mga kailangan niya sa eskwelahan.

Kaya naman muli niya itong binalikan, na level-up pa dahil sa dami ng kanyang sinubukang gawin.

Una ay sumakay ng jeep si Angeline para makapunta sa University of Santo Tomas kung saan nagbenta at nag-ihaw siya ng barbeque, isaw at dugo.

Una niyang sinubukang magtinda ng ihaw-ihaw. Dahil nakatakip ang bahagi ng kanyang mukha dahil sa face mask, hindi siya nakilala ng mga taong bumibili.

Kagaya ng isang tunay na taong sanay sa kalye, kumain si Angeline nang walang plato ay nagkamay lang din.

Makikita rin na sanay sa hirap si Angeline na kumain ng nakakamay habang nagpapahinga sa pagbebenta.

Matapos nito ay nagpadyak naman ang singer ng cart para naman magbenta ng palamig at fishball.

Sunod niyang sinubukang magtinda ng mga gamit sa bahay kagaya ng walis at dustpan.

Sunod na sinubukan ni Angeline ay balut sa tapat ng isang convenience store, pati ang pagiging GrabFood driver ay ginawa niya rin na pinamalas ang husay sa pagmomotorsiklo.

 

Marami naman ang humang sa ginawang ito ni Angeline.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

“Dahil jan nainspire mo ako angge, maglalako narin ako”

“Wow ang humble niyo naman po ate down to earth pa rin po kayo, hindi po kayo nag babago.”

Aiko Melendez hindi inaasahan ang pangakong binitawan ni Ogie Diaz para sa kanyang mga anak

Simpleng date nila Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa Baguio City, ibinahagi ng aktres