in

Vlogger Na Si Zeinab Harake, Inulan Ng Komento Matapos Bumili Ng Mamahaling Sasakyan!

Wow na wow ang bagong biling mamahaling sasakyan ni Zeinab Harake!

Muli na namang inulan ng komento ang sikat na vlogger na si Zeinab. Bumili kasi siya ng mamahaling sasakyan.

Sa kanyang YouTube vlog na naka upload sa kanyang channel, ibinahagi niya ang kanyang new milestone sa buhay. Mayroon ng 10.9 million subscribers ang female vlogger sa ngayon.

Sa pinaka bagong vlog na na-upload kahapon, August 20, proud na ibinahagi ni Zeinab ang pag bili niya ng mamahaling sasakyan.

Excited na pumunta sa Toyota show room ang first time mom at masayang tumingin ng iba’t-ibang klase ng sasakyan.

Pero una pa lang, sinabi na ni Zebby na gusto niya bumili ng Van gamit ang sarili niyang pera.

Nagkakahalaga ang Toyota Alphard ng Php 3,900,000.

Halatang masaya si Zebby sa kanyang new milestone na ito dahil siya pa mismo ang nag drive nito pauwi. Excited din siyang pinakita sa kanya na ngayong live-in partner na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee.

Agad naman sinubukan ng dalawa ang iba’t-ibang features ng loob ng sasakyan. Masayang binati ng rapper ang success na nakuha ng kanyang nobya.

Excited na silang maisakay at mabiyahe ang kanilang family car kasama ang kanilang napaka cute na baby girl na si Zebbiana!

Dahil dito, hindi din napigilan ng kanyang mga fans na mag punyagi para sa kanilang idolo.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Congrats madam!”

“I see how happy and contented she was right now, and it makes her bloom so good.”

“Very inspiring content… very deserving”

“What you have right now was such a wonderful blessings from above…”

Nanay Ni Heaven Peralejo, Buong Tapang Na Ipinagtanggol Ang Anak Kay DJ Chacha!

Gerald Anderson Sa Pagpapakasal Nila Ni Julia Barretto: “She’s still very young”