in

Vlogger na si Virgelyn emosyonal na nagpasalamat kay Mura, sa tulong nito dumami ang kanyang subscriber

Muling natulungan at napasaya ng vlogger na si Virgelyncares ang dating komedyanteng si Mura.

Nito lamang nakaraang linggo ay nag-viral ang video na kuha ng isang vlogger na si Virgelyn. Kung saan pinuntahan niya si Mura at inalam ang kalagayan nito sa Bicol.

Ayon kay Mura, 46, mula sa kanyang kinita sa pagtatrabaho sa showbiz ay nakabili siya ng tatlong hektaryang lupa sa Bicol noong 2005 sa halagang P75,000 na ngayon ay tinataniman niya ng saging, mais, niyog at iba pa.

Nang dahil sa vlog na iyo ni Virgelyn ay bumuhos ang tulong para kay Mura.

Galing sa mga kababayan nating OFW’s sa mga kaibigan ni Mura sa industriya ng showbiz at sa mga nakatrabaho niya.

At muli ngang bumalik si Virgelyn sa kinaroroonan ni Mura. Sa kanyang pagbabalik, handog niya kay Mura ang bahagi ng kinita niya sa video kung saan naitampok niya ito.

Talagang nagkaiyakan sina Mura at Virgelyn nang muli siyang magkita at dalhin ng vlogger ang malaking surpresa niya.

Habang iniaabot ni Virgelyn ang Php100,000 hindi nila mapigilan ni Mura na maluha dala ng sobrang saya at sarap sa pakiramdam na natulungan nila ang isa’t isa.

Laking pasalamat naman ni Mura kay Virgelyn dahil kung hindi sa kanya ay hindi siya matulungan ng iba. Gaya na lamang ng dati niyang katambal na si Mahal.

“Sarap sa pakiramdam na isang artista, naabutan ng isang vlogger. Sarap!” naiiyak na sinabi ni Virgelyn kay Mura.

Pinasalamatan din ni Virgelyn si Mura dahil magmula ng mai-feature niya ito ay dumami ang kanyang subscriber.

Kumikita na din siya umano ng mas malaki sa tulong ni Mura kaya naman ibinabalik niya lamang ito.

Pinasalamatan din naman siya ni Mura dahil kung hindi sa pagpunta at pagkumusta sa kanya ni Virgelyn, hindi rin siya mapaaabutan ng tulong .

Naaalala Niyo Pa Ba Si Tolits Ng Eat Bulaga? Eto Na Ang Kanyang Masayang Buhay Pamilya Ngayon.

Vhong Navarro pinabulaanan na nabigyan na niya ng tulong si Mura, nais umanong personal na iabot ito sa dating sidekick niya