in

Viral Online seller na si Madam Inutz ipinakita ang kanyang nanay na isa sa inspirasyon niya para kumayod

Para sa pamilya.

Ito ang isa sa inspirasyon ng instant celebrity na online seller na si Daisy Lopez o mas kilalang Madam Inutz.

Viral na nga sa social media si Madam Inutz. Kahapon nga lamang August 13, ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Image Artist Management.

Ang Star Image Artist Management ay isang talent agency na kinabibilangan nila Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford, Buknoy Glamurr, at Marjorie o “You do note” girl.

May ilang natuwa sa naging takbo ng kanyang status ngunit mas marami ang nanghinayang.

Ani pa ng ilan ay mas maganda kung nag-solo na lang umano siya at hindi na nagpahawak sa nasabing kompanya.

Marami kasi ang tuwang tuwa sa personality ni Madam Inutz kahit pa puro mura ang bukambibig niya.

Kinakaaliwan pa rin ng daang libong manonood niya ang napaka-kwelang pamamaraan niya sa pagtitinda.

Madalas kasi itong magmura at magsabi ng “inutil” sa kanyang pagbebenta ng damit, sinasabay din niya ang pagsayaw ng iba’t-ibang Tiktok dance steps kaya naman ay lumobo ang bilang ng mga nanunuod sa kaniyang Facebook live.

Sa kasikatan ni Madam Inutz, ginaya pa siya ni Vice Ganda sa “It’s Showtime”.

At tulad ni Vice Ganda, pamilya din ang inspirasyon ni Madam Inutz para magsipag sa pagtitinda online.

Kamkailan nga lamang ay ibinahagi ni Madam Inutz ang litrato ng kanyang ina.

Bedridden na ito, at saad nga ni Madam Inutz, kaya siya nagsisikap ay para matustusan ang pangangailangan ng kanyang nanay.

Sa likod ng masiyahin niyang karakter ay isang mapagmahal na anak, ina at kapatid din si Madam Inutz.

Kaya naman mas lalo siyang minamahal ng kanyang mga viewers. Totoong tao umano ang nakikita nila at hindi lamang sarili ang iniisip.

Aktor na si Eric Fructuoso magiging Lolo na! Ibinahaging nasasabik na sa pagdating ng kanyang apo

Angel Locsin at Neil Arce ibinahagi na ang buong pangyayari sa kanilang civil wedding