in

Vilma Santos ibinahagi ang kanyang unang reaksyon ng isinilang ang anak na si Luis Manzano “parang malaking daga”

Cool na cool at puno ng katatawanan ang nakalipas na vlog ni Luis Manzano. Kung saan guest niya ang inang si Vilma Santos.

Sa latest vlog ni Luis na HEART-TO-HEART TALK WITH MOMSKI, ilang nakakatuwang katanungan sa kanyang ina ang ibinato ni Luis.

Isa na nga dito ay kung ano ang reaction ni Ate Vi noong nakita siya nito after siyang maipanganak.

Natatawang pag-amin ng actress-turned-politician, hindi daw talaga niya nagustuhan ang histura noon ni Luis nang makita n’ya ito sa nursery.

Hindi napigilan ni Ate Vi na humalakhak nang sagutin ang tanong ng anak. Aniya, grabe raw ang kaputian ng TV host-comedian nang isilang niya at napakalaking sanggol daw nito.

“Nu’ng ipinanganak kita, cesarean ako nu’ng pinanganak kita. Tapos nu’ng dadalhin na ako, kasi kailangang magpa-breastfeed, dinala ako sa nursery. Pagdala sa nursery, hinahanap kita doon,” panimula ni Ate Vi.

Pagpapatuloy pa niya, “Tapos may nakita ako, napatingin ako tapos sabi ko, ‘Ang laki naman ng batang to. Ang puti-puti.’ Walang eyebrows at ang puti-puti. Parang anak araw.

“Kinausap ko yung nurse, sabi ko, ‘Nurse, nasaan po yung anak ko?’ Sumagot siya, ‘Ayan ho.’ Huh!?” ani Ate Vi sabay tawa uli.

Pangla-laglag pa n’ya sa panganay na anak, “Bakit ganito itsura? Ang puti-puti. Walang eyebrows. Parang malaking daga! Ito ba ’yong anak ko? Hahaha!”

Pero agad namang sinabi ni Ate Vi, na sa unang tingin lamang niya nasabi ang mga ganu’ng reaksyon dahil habang tinititigan na niya si Luis ay unti-unti na itong gumuguwapo.

Sa pagto-throwback ng mag-nanay, isa pa sa inamin ni Ate Vi sa anak ay ang naramdaman niyang magkahalong takot at excitement nang malaman niyang buntis na siya noon kay Luis.

Panoorin dito ang nakakatuwang video ng mag-ina:

Aktor na si Paulo Avelino nabigla, napamura dahil sa face changer app na inedit ang kanyang mukha

RR Enriquez, Duda sa “As a friend” na Dahilan ni Paolo Contis Kay Yen Santos!