in

Video noon ni Aljur Abrenica na nagsasabing ayaw niyang mahiwalay kay Kylie Padilla binalikan ng mga netizens

Viral ngayon sa social media ang naging pahayag noon ni Aljur Abrenica tungkol sa kanila ni Kylie Padilla.

Tila nangyari na ang kinakatakutan ni Aljur na magaya sa ibang showbiz couple na sa huli ay naghiwalay din.

Sa isang panayam ng pep.ph noong Enero 2017 ay makikita pa ang sweetness sa pagitan ng aktor at ng kanyang asawa na si Kylie Padilla. Na noong mga panahon na ‘yon ay hindi pa kinakasal.

Pinag usapan sa nasabing panayam ang diumano’y kawalang respeto ng management ni Kylie. Matapos nilang pangunahan ang pagbabalita ng engagement nila ni Aljur.

Dinagdag niya pa sa kwento na after niya mag propose kay Kylie ay sinubukan nilang tumira sa iisang bahay para malaman daw nila kung compatible sila sa isa’t isa.

Ayon kasi sa kanya ay ayaw niyang matulad sa ilang showbiz couple na naghihiwalay din matapos nilang magpakasal.

“We wanna know kung ano diba, we will get each other ano, eh, along diba. Dahil ayokong magaya sa ibang mga artists, pasintabi sa kanila. Na after a couple of years, after nila ipakasal, naghihiwalay,” ani Aljur.

“Naging praktikal lang kami. Tiningnan namin. And then that’s the time na naramdaman ko ulit na kailangan ko mag propose ulit.” dagdag niya pa.

Ngunit apat na taon ang nakalipas ay tila nag-iba ang ihip ng hangin. Ngayon nga ay hiwalay na sila ni Kylie.

At hot topic ngayon online ang namamagitan sa kanila ni AJ Raval. Kaya naman muling nagviral ang video na ito ni Aljur.

Pinutakte ng mga netizens ang nasabing video, marami ngang nagsasabi na kinain lang lahat ni Aljur ang kanyang mga sinabi.

Hindi rin umano napanindigan ng aktor ang kanyang mga pangako sa kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

 

Kantang ‘You Betrayed Me (Traitor)’ sa IG stories ni Axel Torres para nga ba kay AJ Raval?

Reyna ng mga sawsawera na si RR Enriquez pinuri kung paano i-handle ni Kylie Padilla ang isyu nina Aljur at AJ