in

Video noon ni Aljur Abrenica habang kumakanta ng ‘Still Loving You’ binalikan ng netizens

Muling nagviral ang video ni Aljur Abrenica habang umaawit ng kantang ‘Still Loving You’

Sa gitna ng kinakaharap na kontrobersiya nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Binalikan ng mga netizen ang isa sa mga sweet moments nila.

At ito nga ay nang kinakantahan ni Aljur si Kylie ng awiting ‘Still Loving You’ habang sila ay nasa sasakyan.

Habang kumakanta si Aljur ay nagkekwentuhan silang mag-asawa noon at halatang kinikilig pa si Kylie.

Aljur: “Yung mga time na nagkahiwalay tayo, eto yung exact words.”

Kylie: “Talaga?”

Aljur: “Oo naman.”

Kylie: “Kinakanta mo ‘yan?”

Aljur: “Oo, kaya ko nga nagustuhan ko eh. Kumbaga ito yung naka-hit sa akin. May nararamdaman ako na di ko ma-explain. Ito yun. Tingnan mo ah.”

Sabay birit ni Aljur ng linyang “Try baby try, to trust in my love again. I will be there. I will be there.”

“Love, our love. Just shouldn’t be thrown away. I will be there. I will be there.”

Binalikan ito ng mga netizens matapos mag-viral ang video ni Aljur na inawit muli ang kantang iyon.

Pinost ni Aljur ang nasabing video noong August, sa kasagsagan ng balitang hiwalay na nga sila ni Kylie.

Kaya naman agad na naisip ng mga netizens na inaalay muli ni Aljur ang kantang ito para s kanyang estranged wife.

Dahil bakas ang emosyon ng aktor habang kinakanta ang awiting inalay niya noon para sa kanyang misis.

Narito naman ilan sa komento ng netizens sa video ni Aljur:

“Wow sweet nman idol ang awit m ….mka inlove nman yan s idol Kylie… sana magkabalikan kau alang alang s anak ninyo n dalawa”

“Kaya nga pahalagahan natin ang tao habang andyan pa, pero sa inyong dalawa sana magkabalikan kayo…”

Paolo Contis hindi na umano nagpaparamdam sa dating partner na si LJ Reyes at sa mga anak nito

Andrea Torres pang international na, bibida sa isang Argentina film na ‘Pasional’