in

Video ni Robin Padilla na nag-swab test sa sarili inulan ng samu’t-saring komento

Umani ng batikos ang latest video na ibinahagi ni Robin Padilla.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Robin ang video kung saan kinukuhaan niya ng swab sample ang kanyang sarili.

Makikita rito na dahan dahang ipinasok ni Robin ang swab stick sa kanyang ilong.

At ilang segundo ang makalipas ay inilagay niya ito sa isang tube at saka ginawa ang iba pang proseso.

Makikita din sa video na ganun din ang ginawa ng ilang kasamahan niya, ang isa pa nga ay medyo napangiwi ng ipasok sa ilong ang swab stick.

Ayon naman sa caption ni Robin, hindi na umano nila nahintay ang mga nurse.

Na magsasagawa sana ng swab test sa kanilang grupo, kaya napag desisyunan nilang gawin na lang ito sa sarili.

“Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang c0vid test,” saad nito.

Dagdag pa niya napakadali lamang naman daw ng proseso nito na kayang kaya naman daw gawin ng kahit sino sa kanilang sarili.

“basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo'”

“At kapag naluha kana tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo yun na raw yun.”

Agad namang umani ng iba’t-ibang reaksyon ang videong ito ni Robin.

May ilang natawa sa kanyang ginawa pero as marami ang bumatikos sa aktor.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“This is against DOH guidelines. Only medtech/health practitioners should conduct the swab test.”

“OH MY GULAY! New comedy show ba ito ng pambansang ewan!”

“Ha ha ha nakakatawa ka sir Binoy”

“FYI may certain technique din ang pag swab. Hindi sya basta ipapasok lang sa ilong. Sana alam yan ng idol nyo”

Narito ang kanyang video:

Anong masasbi mo dito?

Makatapos ang 20 years na pagsasama, Ina Raymundo inaming hindi na malambing ang kanyang asawa

Beteranang aktres na si Maritoni Fernandez ipinasilip ang magarbong beach house niya sa Bataan