in

Video ng mensahe noon ni Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” pinutakte ng mga netizens

Binalikan ng mga netizens ang panayam noon kay Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” sa totoong buhay.

Dawit ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Nauna kasing lumabas kahapon ang ilang litrato ni Paolo na may kasamang ibang babae. Isang araw lang matapos ang naging panayam ni Boy Abunda kay LJ Reyes.

Noong una ay naging misteryoso kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Paolo sa nasabing larawan.

Hindi kasi kita ang mukha ng “mystery girl” dahil nakatalikod ito ng makuhaan ng litrato.

Ngunit ngayong araw lang ay may video clip na nag-viral kung saan makikitang naglalambingan habang naglalakad si Paolo at ang “mystery girl”

Nakilala naman ng maraming netizens na ang babaeng kasama ni Paolo sa litrato at video ay iisa. At ito ay walang iba kundi si Yen Santos.

Nagkasama kasi sa pelikulang “A Faraway Land” na ipinalabas sa Netflix kamakailan sina Paolo at Yen.

At mukhang dito ay na-develop ang pagtitinginan ng dalawa.

Hinuha tuloy ng marami na si Yen ang 3rd party sa hiwalayang Paolo at LJ. Kaya naman, binalikang muli ng mga netizens ang naging panayam noon ni Yen.

Kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga “kabit” sa totoong buhay. Ito ay noong mga panahon na sikat ang kanilang serye na “Halik.”

Saad dito ni Yen “May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli. “

Lahad ng mga netizen na ang mensaheng ito ni Yen ay dapat umanong i-apply niya sa kanyang sarili.

Narito ang kabuuan ng video ng panayam kay Yen:

Kiray Celis ibinahagi kung paano alagaan at mahalin ni Mygz Molino si Mahal sa kanilang set

Sikat na vlogger na si Whamos Cruz iresponsableng ama diumano ayon sa kaanak ng dating partner