in

Video clip nina Jeric Raval at anak niyang si Vanessa Raval kinagigiliwan ngayon sa social media

Protective and cool father.

Iyan ang nakita ng mga netizens sa action star noong 90’s na si Jeric Raval. Dahil sa video nila ng kanyang anak.

Hindi maikakaila na isa si Jeric sa mga artistang kahit nadadagdagan ang edad ay mistulang hindi pa rin tumatanda ang mukha.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na namana ito ng kanyang mga anak na pawang nabiyayaan din ng magaganda at gwapong itsura.

Kamakailan lang, isa sa mga anak na ito ni Jeric ang kumuha sa atensyon ng mga netizens sa social media. Ito ay ang kanyang anak na si Vanessa Raval.

Bagama’t hindi maikakaila ang ganda nito, iba sa Vanessa sa ibang mga kababaihan dahil iba ang hilig niya kaysa sa mga ito. Maliban sa hilig nito sa tattoo, hilig din ni Vanessa ang mga motor.

Bukod sa hilig na pagpapatattoo sa kaniyang katawan, hilig din ni Vanessa ang pagti-TikTok.  Sa katunayan nga nyan, siya ay makikita na kasama ang mga kapatid sa ama na sina Janina at AJ sa kaniyang mga TikTok.

Maging si Jeric mismo ay nakakasama niya din sa kaniyang mga videos.

Kamakailan nga lang ay kinagiliwan ng mga netizens ang maiksing video clip nila ng kanyang tatay Jeric.

Sa nasabing video ay tuwang tuwa ang marami sa naging reaksyon ng aktor. Ng ayain siya ni Vanessa na mag-picture sila.

Gulat na pamumuna ni Jeric sa anak na maririnig sa video, “Oh ‘wag naman ganyang yungbra.” Parang naaasiwang sabi ni Jeric sa suot ng kanyang anak.

Agad namang umani ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens. Karamihan sa kanila ay nagsabing protective father daw ang aktor sa kanyang mga anak.

At may ilan din na humaglpak ang tawa sa naging reaksyon nito.

Panoorin dito ang kanilang video:

Kapamilya actress na si Riva Quenery lubos ang kasiyahang nadarama ng isilang na ang kanyang anak

Gigi de Lana bagong ka-love team ni Gerald Anderson para sa isang international project