in

Vice Ganda tila may malalim na hugot “Minsan may inaalagaan ka na magugulat ka nalang hayop pala”

Pagdating sa mga hugot lines, talagang bentang benta ang mga hugot ni Vice Ganda.

Kaya naman marami ang humahanga dito dahil napakabilis nitong mag isip.

Ng mga hugot lines na may sense at higit sa lahat relatable pa.

Marami na rin naman kasing napagdaanan si Vice Ganda sa kanyang buhay, mula sa pagiging stand up comedian  hanggang sa maging unkabogable star na ngayon.

Lahat ng pelikula blockbuster at lahat ng shows nito ay pumapalo sa ratings.

At isa ang mga biglaang hugot lines ni Vice ang inaabangan sa It’s Showtime.

Kamakailan nga lamang ay isang tila napakalalim na hugot lines na naman ang pinkawalan nitong si Meme Vice.

Sa segment ng It’s Showtime na “ReINA ng Tahanan” ay napag-usapan nina Vice at co-host na si Kim Chiu ang tungkol sa mga alagang hayop.

Ang contestant kasi nila ay isa sa kinahihiligan ang pag-aalaga ng iba’t-ibang klaseng hayop.

Saad kasi ng kalahok, na mula bata pa lamang daw siya ay naga-ampon na siya ng mga hayop na napupulot niya sa kalsada.

Tulad na lamang ng mga kuting o pusa, agad daw lumalambot ang kanyang puso sa mga ito tuwing nadadaanan niya.

Malaki daw kasi ang nagagawang kasiyahan sa kaniya ng mga alaga niyang hayop.

Kahit pinapagalitan pa daw siya noon ng kanyang nanay.

Tila naka-relate naman dito si Vice ng sabihin niya na talagang mas masarap daw magmahal ng hayop.

“Dahil at least sure kang hayop ang inaalagaan mo,” saad ng komedyante.

Napatanong naman si Kim Chiu kung bakit naman daw niya nasabi ito.

At dito na nga biglang humugot ang Unkabogable Star, saad nito “Minsan may inaalagaan ka na magugulat ka nalang hayop pala”

Panoorin dito ang kabuuan ng video:

Willie Revillame nagsalita na ukol sa isyung nabuntis diumano niya si Hipon Girl kaya nawala ito sa Wowowin

Queen of Soul Jaya, naging emosyonal sa pamamaalam niya sa It’s Showtime