in

Vice Ganda napaisip kung ano kaya ang nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials

Naging palaisipan para kaya Vice Ganda kung ano kaya ang nararamdaman ng mga anak ng mga corrupt officials.

Sa isa sa mga latest episode ng hit segment ng It’s Showtime na ReiNanay ay naging usap-usapan ng mga host at contestants ang patungkol sa pamilya ng mga corrupt officials.

Naitanong kasi sa isa sa mga ReiNanay candidate ang tanong na, Kung para sa kaniya ay papayagan ba niya ang kaniyang anak na makipag relasyon sa anak ng isang corrupt official.

Agad naman itong sinagot ni ReiNanay Ellen, “Sa abot ng aking makakaya, kung talagang corrupt ang government official na ‘yun, babawalan ko siya.

“Kasi ‘pag ‘yun ‘yung napangasawa niya, kahit na anong sabihin mo, ‘yung magiging anak niya, magtatanong at ganon din ang gagawin. Kaya sa abot ng aking makakaya, ipaglalaban ko siya na ‘wag ‘yun.”

Humanga naman ang mga “It’s Showtime” hosts na sina Karylle at Vice Ganda sa values ng contestant.

Dito na nga rin napatanong si Vice ng “Ano kaya ang nararamdaman nung mga anak ng mga corrupt officials?”

“Paano sila nabubuhay?” segundang tanong naman ni Karylle.

Iniisip rin ng komedyante kung paano kaya idinedeny ng mga anak sa kanilang sarili ang katotohanang iyon.

Dagdag pa nito, “Paano kunyari naging nanay ka na tapos ‘yung tatay mo corrupt. Paano pag tinanong sa ‘yo ng anak mo na ‘corrupt ba ‘yung lolo ko?’ Paano mo sasabihin sa anak mo na, “Oo, corrupt ‘yung lolo mo’.”

“Ikaw, kaya mo?” Tanong naman ni Karylle kay Vice.

“Hindi ko alam pero hindi ako jojowa ng corrupt,” sagot naman ni Vice.

Panoorin dito ang nasabing episode:

Allan K nakapagpatayo ng muli ng bago niyang negosyo matapos malugi ng Zirkoh at Klownz

Janella Salvador hayagang ibinahagi na not in good terms na sila ngayon ni Julia Barretto