in

Vice Ganda may patama kay Lolit Solis matapos ang post nito tungkol sa kanya: “Ang pangit ng Marites”

Vice Ganda hindi din papatalo kay Lolit Solis, may patutsada para sa talent manager.

Naging usap usapan sa social media kamakailan ang naging Instagram post ni Lolit Solis patungkol sa komedyante na si Vice Ganda.

Ayon kasi sa kanyang post, si Vice na daw ang nagpapatakbo sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime. Lumalabas din sa kanyang post na nagbabago na daw ang ugali ng Unkabogable Star.

Sinagot pa ng co-host ni Vice na si Jugs Jugueta ang naging paratang ni Lolit sa kasamahan.


Ngayon naman, mismong si Vice na ang may patutsada sa entertainment columnist. Sa naging episode ng It’s Showtime, nabanggit ng komedyante ang naging post ni Lolit.

“Hindi, e. Si Lolit, e. Natatawa lang ako. Sinagot ni Jugs,” sabi nito kay Ogie Alcasid.

Sa parehas na episode, may komento naman si Vice tungkol sa mga Marites.

“Depende iyan sa mga sina-subscribe-an niyo, e, kung saan mo ine-expose yung sarili mo. Nakukuha mo yung energy na iyon kung yung mga sina-subscribe niyo, pinapanood, o binabasa, masasaya… gumaganda,” paliwanag nito.

Pagpapatuloy niya, “Pag sina-subscribe niyo, pinapanood niyo, pinapakinggan, pinaniniwalaan o binabasa yung mga pangit na chika, nakakapangit iyan. Kaya, di ba, ang mga pinakapangit na tao sa mundo yung mga Marites?”

“Kasi pagkatapos ng mga magnanak4w, Marites na iyon, e. Ganoon kapangit. Na-realize ko, lalo na nung end of 2021, parang masyado nating ginagamit yung term na Marites, akala ng mga tao cute iyon.”

Huling banat niya na tila patama kay Lolit, “Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No. Ang pangit ng Marites. After ng magnanak4w, krim1nal, Marites.”

JOSHVANA? Joshua Garcia handang “jowain” si Ivana Alawi!

Willie Revillame ipinasilip ang napakagandang hotel-resort na pagmamay-ari niya sa Tagaytay