in

Vice Ganda mamahaling bag ang nakuha sa palaro ni Dra. Vicki Belo sa kanyang latest vlog

Muling nagsama sa isang vlog ang celebrity doctor na si Vicki Belo at ang Unkabogable star na si Vice Ganda.

Kilala si Dra. Belo na may koleksyon din ng mga luxury bags. Isa sa mga favourite brands niya ay ang Hermes.

Madalas din siyang mamigay ng branded bags sa mga celebrity na nakakasama niya sa kanyang vlog.

Kamakailan nga ay niregaluhan niya si Kim Chiu ng LV bag, si Andre Brillantes ay Dior naman ang natanggap.

Samantala, sa kanyang latest vlog ay si Vice Ganda naman ang kanyang nakasama. At syempre mamahaling bag din ang nakuha ng komedyante.

Sa kanilang video ay nagpa games si Dra. Belo at ang premyo nga na makukuha ni Vice ay branded bag din.

Sa simula ng video ay good vibes agad ang hatid. Closet party nga ang tawag ni Dra. Belo doon dahil naroon sila sa kanyang closet habang nakalinya ang kanyang nga luxury bags.

Habang nagsasalita ang doktora ay namili na ng namili si Vice ng bag na kanyang natipuhan. Pero inawat siya ni Dra. Belo dahil aniya hindi pa simula ng game.

Base sa kanilang rule ay hindi pwedeng magsalita ng English si Dra. Belo tagalog lamang at Beki words.

Bawat pahuhulaan ni Vice na salita kay Dra. at hindi nito masasagot ay may premyo si Vice na kukunin niya sa closet.

Sa bandang huli ng kanilang vlog ay mamimili na si Vice ng bag habang nakapiring.

Ngunit kahit nakatakip ang kanyang mga mata ay jackpot agad ang nakuha ng komedyante.

Isang Hermes Togo HAC Endless Road Birkin 50 Bleu de Prusse ang kanyang nakuha.

Ito ay limited edition at nagkakahalaga ng $65, 637.11 USD o Php 3,354,678.56. Wow!

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Cryptic post ni Trina Candaza patungkol nga ba sa balitang hiwalay na sila ni Carlo Aquino?

Xyriel Manabat ibinida ang kanyang new haristyle at hair color, netizens approved ang kanyang look!