in

Vice Ganda hindi napigalang maging emosyonal sa naging usapan sa “It’s Showtime” tungkol sa pag-ibig

Bumuhos ang luha ni Vice Ganda sa nakaraang episode ng ‘Its’ Showtime”

Ito ay dahil sa naging paksa nila tungkol sa pag-ibig sa segment ng kanilang show na ReiNanay.

Tungkol sa paglisan ng isang mahal sa buhay o “faded love” ang naging usapan nila ng nasabing contestant.

Naitanong ni Vice sa contestant, “Paano mo malalaman kung ‘yung araw-araw mong katabi sa kama at araw-araw na kasabay mong kumain ay hindi (pala) totoo ang kanyang yakap at halik?”

Sagot naman ng ReiNanay na si Rebecca, “Alam n’yo po, kahit hindi na i-elaborate, mararamdaman at mararamdaman mo ‘yan. Kasi dumarating tayo sa punto na… halimbawa, pagkatapos nating kumain, matutulog na tayo. Meron ‘yang ginagawa (gaya ng), ang tagal-tagal niyang pumasok (sa kuwarto),” lahad nito.

“Mararamdaman mong ang kanyang yakap ay kamay na lang, wala na ‘yung paa. (Siyempre) Magdududa ka na. Pero ‘pag dumating ‘yung pagkakataon na wala na ‘yung kamay at paa, hala, napakahirap sa damdamin ‘yun,” aniya pa.

Ayon naman kay Vice, napakasakit sa damdamin na paggising mo, ang katabi mong matulog ay nakatalikod lang pala sa ‘yo.

“Ang lungkot nu’n, ‘no? ‘Pag nakasanayan mo, tapos binabalikan mo.”

Wala namang binabanggit na pangalan, pagpapatuloy ni Vice, “Dati, nu’ng magkatabi kami, lahat ng bahagi ng katawan (niya), nakapatong sa ‘yo. Tapos, unti-unting nawawala. Tapos, isang araw, gigising ka na lang na magkatalikod na kayo.”

Dahil dito ay natanong siya ni Kim kung nakaka relate ba siya sa topic nilang ito, “Kapag nasa posisyon ka na masaya, pag naisip mo parang nakakatakot. Ayokong mangyari sa ‘kin,” sagot ni Vice.

Matapos nito ay napunta na ang kamera sa grupo nina Teddy na sumang-ayon sa pahayag ni Vice, ngunit nagulat ito ng agad siyang lapitan ni Vice at sabihing, “Ayokong mangyari yun”.

LGBTQ+ members na sina Direk Andoy Ranay, IC Mendoza, at Adrian Lindayag nagpugay sa pagkatalo ni Manny Paquiao

Jinkee Pacquiao umani ng papuri dahil sa pag-aalaga sa asawang si Manny Pacquiao matapos ang laban nito