in

Vice Ganda at Ion Perez kinasal na pala sa Las Vegas noong October 2021!

Vice Ganda at Ion Perez, ganap na mag-asawa na!

Ito ang magandang balita na ibinahagi ng Unkabogable Star sa kanyang YouTube channel ngayong gabi, February 12, 2022. Isang araw bago mag araw ng mga puso, sa wakas ay binunyag na ni Vice ang kanilang sikreto!

Masaya ang gabi na ito para sa mga tagasuporta nina Vice at Ion. Tunay nga na love is in the air!

Sa naturang vlog, lumalabas na noong nakaarang taon pa nagpakasal ang dalawa sa ibang bansa. Matatandaan na nag out of country ang showbiz couple noong nakaraan. Ayun pala ay nagpalitan na sila ng wedding vows sa isang maliit na Chapel sa Las Vegas.

Sa nasabing vlog, mapapanood na nag stay sa isang hotel ang dalawa at tsaka nagpunta ng Chapel sakay ng isang sasakyang pangkasal. Dito na sinaksihan ng iilan ang palitan ng pangako ng dalawa sa isa’t-isa.

Napaluha pa si Ion nang maglakad sa aisle ang pinakamamahal na kasintahan. Kitang kita ang matatamis na ngiti ng dalawa. Sa wakas ay opisyal na silang mag-asawa.

Lumalabas na noong October 19, 2021 pa nag-isang dibdib ang dalawa na base naman sa Commitment Certificate na pinirmahan nina Vice at Ion na siyang nakita mismo sa vlog.

Panuorin ang buong vlog dito:

Whamos Cruz pinamilhan ng Louis Vuitton ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail!

Aljur Abrenica at AJ Raval spotted na magkasama sa isang hotel ngayong Valentine’s Day