in

Vhong Navarro pinabulaanan na nabigyan na niya ng tulong si Mura, nais umanong personal na iabot ito sa dating sidekick niya

Pinasinungalinga ni Vhong Navarro ang kumakalat na balita. Na nabigyan niya na umano ng tulong pangkabuhayan ang dati niyang sidekick na si Mura.

Kamakailan kasi ay naglabasan nga ang mga balita na binigyan ni Vhong ng perang pang-negosyo si Mura.

Pinabulaanan niya ito dahil magpasahanggang ngayon ay wala pa umano siyang contact kay Mura.

Pero ayon sa aktor ay totoo daw na sinabi niya magpapa-aboot siya ng tulong para sa dating komedyante.

Ito ay makatapos niyang mapanood ang vlog ni Virgelyn kung saan binisita nito si Mura. At kinamusta ang kalagayan nito sa Bicol.

Sa nasabing vlog ay nabanggit nga ni Mura si Vhong na isa sa mga hindi niya makakalimutang artista na nakasama niya.

Samantala, sa panyam kay Vhong ng PEP.ph sinabi nito pinapahanap pa din niya ang contact ni Mura.

Maging si Ogie Diaz ay kinausap din ni Vhong at humingi ng tulong para makausap nito si Mura.

Handa umanong tulungan ni Vhong ang dating co-star pero nais niya na personal itong maiabot ang financial help.

Para makaiwas umano si Mura na magamit ng mga mapagsamantalang tao.

Malaki ang naging epekto kay Mura ng pandemya. Dahil nawalan umano siya ng pagkakakitaan. Dagdag opa ang hirap niya sa paglalakad dahil sa natamong pinsala sa aksidenteng nangyari sa kanya noong 2010.

Ang ipagpatuloy ang pag-aartista ang isang paraan na naisip ni Mura—na namumuhay ngayon bilang magsasaka sa bayan nila sa Bicol—para magkaroon siya ng source of income at makatulong sa pamilya niya.

Nananawagan siya mga kakilalang makakatulong sa kanyang pinaplanong showbiz comeback.

Kaya naman laking pasasalamat ni Mura sa vlogger na si Virgelyn ng balikan siya nito kamakailan at binigyan siya ng 100 thousand pesos.

Galing umano ito sa kinita ng video ni Virgelyn sa unang pagtatagpo nila ni Mura.

Vlogger na si Virgelyn emosyonal na nagpasalamat kay Mura, sa tulong nito dumami ang kanyang subscriber

Lyca Gairanod at Karen Davila pinagkatuwaan ng mga netizens, pagkagulat sa isa’t-isa naging meme na!