in

Vanessa Raval hindi daw anak ni Jeric Raval ayon kay Ogie Diaz

Isang rebelasyon ang ibinahagi ni Ogie Diaz tungkol sa tunay na relasyon ni Jeric Raval kay Vanessa Raval.

Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz sa Youtube. Inilantad nito na hindi pala tunay na anak ni Jeric si Vanessa.

Ayon kay Ogie, isa ito sa ibinahagi ni Jeric sa nakaraang panayam niya sa action star. Anak umano si Vanessa ng kanyang pinsang buo.

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya na nakiki-tatay Tatay Eric na rin sa kanya,” pahayag ni Ogie.

Hindi naman daw itatanggi ni Jeric si Vanessa kung anak niya ito. Lalo pa’t hindi niya itinanggi ang kanyang 18 na mga anak.

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya na nakikitatay Tatay Eric na rin sa kanya,. Yun ang malinaw”

“Pero sabi ko kay Jeric, ‘Kamukha mo ah’. Sabi niya, ‘Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko ‘no.

“Eighteen nga anak ko, hindi ko itinanggi. Hindi naman sa akin ‘yan.”

“Hindi ko nga alam sa batang ‘yan ba’t ganyan ang mga naglalabasan sa kanya. E wala naman daw siyang social media nakakarating-rating lang sa kanya,” salaysay pa ni Ogie.

Matatandaan na nag-trending si Vanessa makaraan nitong i-post sa social media ang tungkol umano sa isang rapper na gusto siyang i-date.

Kinalaunan ay ibinunyag niya na “scripted” lang ang kanyang post at sinabi na ginawa niya ito para protektahan ang isang mahal sa buhay.

Magkapatid na sina AJ Raval at Vanessa Raval nagka-sagutan sa social media!

Look A Like ni Jericho Rosales viral ngayon sa social media!