in

Urban Legend tungkol sa Robinson’s mall muli na namang pinag-uusapan

Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang Urband Legend tungkol sa Robinson’s mall.

Nabuhay ngang muli ang usapin na ito dahil sa isang babaeng empleyado. Na nawala umano sa loob ng Robinson mall sa Palawan.

Nitong Agosto 5 ay naiulat na nawala ang B.S Criminology graduating student na si Jovelyn Galleno na huling pumasok sa Robinsons Place Puerto Princesa City, Palawan.

Makikita sa CCTV ng mall nitong Agosto 5 ang pagpasok ni Jovelyn. Ngunit wala namang makitang footage ang nasabing establisyemento ng paglabas ng dalaga.

Ayon sa kapatid ng dalaga ay kadalasang lumalabas ng mall si Jovelyn tuwing 6:30 ng gabi ngunit umabot na ng alas 7:30 ay hindi parin nakakauwi ng bahay ang dalaga.

At kamakailan nga lamang ay dumulog na ang pamilya ni Jovelyn sa programang Raffy Tulfo In Action. Para matulungan silang mapabilis ang paghahanap sa dalaga.

Ngunit magpasa hanggang ngayon ay wala pa ding update sa kinaroroonan ni Jovelyn. Marami na ang nag-aalala para sa kanya at nanawagan na sana ay mabigyang linaw na ang paghahanap sa kanya.

Ilang netizens tuloy ang napaisip kung konektado nga ba ito sa urban legend na kumakalat tungkol sa nasabing mall.

Matatandaan na inumpisahan ng aktres na si Alice Dixson ang nasabing urban legend noong 1980s dahil sa isang ‘taong ah4s’ na diumano’y nambikt1ma sa kanya sa loob ng fitting room ng mall.

Tingin ng ilang netizens ay ang ‘taong ah4s’ ang kumuha kay Jovelyn kaya’t hindi maipaliwanag ng mall ang nangyari.

Super Tekla nakipagbalikan sa dating partner, Michelle Banaag buntis ulit!

Prenup photoshoot ng engaged couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton usap-usapan ngayon!