in

Unico Hijo ni Jericho Rosales na si Santino negosyante na din sa edad nitong 20

Binatang anak ng aktor na si Jericho Rosales negosyante na!

Noong April ng taong ito ay pumirma na sa Viva Artist Agency ang anak ni Jericho na si Santino Rosales.

Bata pa lamang ay kinakitaan na si Santino ng magagandang katangian na namana niya sa kaniyang mga magulang.

Six feet ang kanyang height, at hindi maitatanggi na matipuno ang binata.

Noong 17-years old pa lamang siya ay nakapasok na siya sa mundo ng modeling at naging miyembro ng Professional Models Association of the Philippines.

Marami din silang bagay na pinagkakasunduan ng kanyang ama, lalo na pagdating sa sports tulad ng surfing.

Kahit wala sa poder ni Jericho si Santino ay hindi nawala ang communication nila.

At hanggang ngayon ay maayos ang kanilang relasyon bilang mag-ama.

Namana rin ng binata ang pagiging businessman ng kanyang ama, noong 15 pa lamang siya ay may sarili na siyang negosyo.

Siya ang nag-aasikaso ng food business nila ng kanyang ina na si Kai Palomares.

Ito ay tinawag nilang ‘KAISANT Skews n Brews’ na matatagpuan sa Parañaque City.

“I’ve already actually started my venture onto business with a friend. We turn car parts into furniture. We had this trade expo at school and we decided to do something outside of the box.

“He had some extra car parts because he has a car shop. So we decided let’s innovate it, let’s make it something people want. We both decided to make it into furniture for your house and what we used is all real recycled car parts,” ani Santino sa panayam niya noon.

Sa kabila ng oportunidad para sa kaniyang career ay mas priority ngayon ng binata ang kaniyang pag-aaral at hangad na matapos ang kinuhang kurso na Interdisciplinary Business Studies sa De La Salle University.

Jessy Mendiola pinatunayan na totoo ang kanyang dibdib, sinabing nabibigatan na sa kanyang hinaharap

Matapos ang labinglimang buwang pamamahinga, Janella Salvador balik trabaho na!