in

UNEP awardee na si Louise Mabulo may ibinunyag tungkol sa internationa blogger na si Nas Daily

Tunay na kulay ni Nuseir Yassin na kilala bilang si “Nas Daily” ibinahagi ng founder ng Cacao Project.

Sa gitna ng kontrobersiyang isyu laban sa diumanong ‘scam’ Whang Od Academy ni “Nas Daily”,

Nagsalita ang United Nations Environment Programme (UNEP) awardee na si Louise Mabulo sa kaniyang karanasan sa nasabing vlogger.

Sa kaniyang Facebook post, isiniwalat ni Mabulo ang kanyang experience working with Nas Daily noong 2019.

Aniya dalawang taon siyang nanahimik hinggil sa isyung ito, ngunit ng dahil sa issue kay Apo Whang Od ay napagdesisyunan niyang ibahagi ito.

Ayon kay Mabulo, kinutya umano ni Nas Daily ang kaniyang mga kasamang farmers. Ilan sa mga linyang ibinato ni Nas Daily ay ang mga katagang ‘poor’, ‘farmers are so poor!’, ‘Why are Filipinos so poor?’

“No one wants to hear about farmers or farms, it’s not clickable viewable content,” saad umano ni Nas.

Ayon pa kay Mabulo, hindi pagbabago ang hangad ni Nas kundi para lamang humakot ng views mula sa mga kuwento ng mga Pinoy.

“He even joked at the start of the day that all he needed was to put “Philippines” in the title, and he’d rack in millions of views would.”

“And the comments would come flooding with brainless ‘Pinoy pride’ comments,” pagbabahagi pa ni Mabulo.

Sa kuwento ni Mabulo, tumanggi si Nuseir na kainin ang mga inihandang pagkain ng kaniyang ina

At hindi man lang nakatanggap ng pasasalamat. “At the end of the day, I was exhausted, I had no patience left.”

“And I’d worn out every last dreg of my tolerance.”

“He refused to let anyone take a break or eat, and he blamed his lack of “presentable click-worthy content” on me and claimed that everything is not clickable or viewable,” paglalahad ni Mabulo.

Sarah Geronimo supportive sa pagwo-workout ni Matteo Guidecelli, sumama pa sa routine nito

Litrato nina Nadine Lustre at ng kanyang rumored new boyfriend viral ngayon sa social media