in

Tution fee sa International School ng mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao nakakalula ang presyo!

Marami ang nalula sa presyo ng tuition fee ng mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao sa Brent International School.

Hindi maipagkakaila na isa sina Manny at Jinkee Pacquiao sa pinakamayaman na mag-asawa sa bansa.

Kaya naman hindi imposible na kaya nilang pag-aralin ang kanilang mga anak sa pinakamagandang paaralan.

Nais lamang nina Manny at Jinkee na mabigyan ng magandang oportunidad ang kanilang mga anak, lalo na pagdating sa edukasyon kaya naman pinasok nila ang mga ito sa International school.

At ang presyo ng mga tuition fee ng mga ito ay talaga namang nagpalula sa marami.

Ang panganay nilang anak na si Jimuel ay nag-aaral sa Brent International School sa Manila. Ang kaniyang tuition fee ay umaabot sa $9,000 o mahigit na P400,000 kada taon. Mayroon ding mga miscellaneous fee na aabot sa P390,000.

Samantala, parehas naman ng tuition fee ni Jimuel ang kapatid na si Michael Stephen na kasalukuyang Senior High School at nag-aaral sa Brent International School sa Laguna.

Ang pangatlong anak na si Mary Divine o kilala sa palayaw na Princess ay nasa middle school na kung saan umaabot ang tuition fee nito sa $8,74 o mahigit na P403,512.

Hindi pa kasama dito ang ibang bayarin sa paaralan sa buong taon. Parehas naman sila ng tuition fee ni Queenie o mas kilala bilang si Queen Elizabeth.

Hindi alintana ng mag-asawa ang mahal na tuition fee ng kanilang mga anak. Basta para sa magandang edukasyon na matatamasa ng mga ito.

Heart Evangelista sobrang bumilib sa isang fan na ipinatattoo sa mukha nito ang kanyang pangalan

Netizens, umantig ang mga puso sa magkapatid na ito na gumawa ng simpleng surpresa para sa kaarawan ng kanilang ama!