in

Tunay na ugali ni Sarah Geronimo ibinunyag ng isang concert director

Ang concert director na si Paul Basinillo ay ibinahagi ang kanyang experience ng makatrabaho si Sarah Geronimo.

Proud at swerte daw kung maituturing ni Paul ang kanyang sarili.

Ito ay dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Si Paul ang laging concert director sa mga concert ni Sarah noon pa mang nagsisismula pa lang ang singer-actress.

Pati na din ang mga hit music videos ni Sarah ay si Direk Paul din ang direktor.

Kaya naman sa isang panayam sa PUSH, ibinahagi ni Paul ang kanyang ecperience working with Sarah.

“She is very hands on. And we like that. She knows what she wants to achieve and we are just there to help her. In fact I remember when we first pitched the project to her sometime August of 2020, she was never hesitant. She knew the team will do their job and make it easier for her to execute her vision,” saad ni Direk Paul.

At bilang direktor, hindi lamang artista kung ituring at ilarawan ni Paul si Sarah.

Kinukunsidera din daw niyang creative partner si Sarah dahil sa pagbabahagi din nito ng gusto niyang kalabasan ng bawat show nila.

“When she speaks her mind, everyone listens. And that’s a mature superstar who is always grounded,” paglalarawan pa nito kay Sarah.

Dagdag pa nga nitong papuri sa Misis ni Matteo Guidicelli,

“She’s always humble. Walang ego, kaya madaling ka work. I’m probably very lucky to have collaborated with her through all these years and until now”

Sinabi rin nito na sa tagal ng panahon na naging magkatrabaho sila ni Sarah ay napansin niya maturity ng aktres.

Lalo na sa mga ideas at inputs ng Popstar Royalty sa kanilang mga collaborations.

Julia Barretto tinulungan si Gerald Anderson sa pag repack ng mga relief goods

Janella Salvador Ipinasilip Na Ang Maternity Shoot Sa Unang Pagkakataon!