in

Trina Candaza ibinahagi ang masayang bakasyon nila ni Carlo Aquino kasama ang kanilang baby sa Bohol

Ipinasilip ni Trina Candaza ang Bohol getaway nila ng kasintahang si Carlo Aquino kasama ang kanilang baby Enola Mithi.

Sa latest vlog update ni Trina Candaza ay natunghayan ang napakasayang bakasyon ng kanilang pamilya.

Kung saan nagpunta sila sa Bohol at inenjoy ang dagat, may side activities din silang ginawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Tulad ng pagpunta sa Virgin Island, nag-snorkeling, nakipaglaro sa mga pagong at marami pang iba.

Enjoy na enjoy din sila sa pagkain ng mga fresh seafoods habang nakasakay sa bangka na magdadala sa kanila sa Virgin Island.

“Sobrang happy na naman nating ngayon paano kaya mamaya?” maririnig na sambit ni Carlo Aquino.

Natatawang sagot naman ni Trina, “Syempre mamaya away na.”

Nakipagkwentuhan din sila sa mga taong naninirahan sa isla.

Ilang litrato din ang ibinahagi ni Trina sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang napakagandang view ng isla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Pagbalik naman sa hotel kung saan sila naka-check in ay doon naman sila nakipag bonding sa kanilang baby Enola Mithi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Nag-swimming ang mag-ama sa pool at kitang kita ang pagiging hands-on daddy ni Carlo Aquino.

Nang kinagabihan ay nagkulitan pa sina Carlo at ang kanyang unica hija.

Kinabukasan naman ay sina Trina at Enola naman ang nagbonding sa sea side.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Twinning pa ang dress na suot ng mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Panoorin dito ang kanilang quick escapade:

Star For All Season Vilma Santos, naglakad ng malayo upang mamitas ng gulay para sa evacuees ng Taal

Sandara Park sinama ang koreanong kaibigan na mamalengke at kumain ng Pinoy Food sa Philippines Market in Korea