in

Toni Fowler umalma sa mga nagsasabing mas maganda siya noon kumpara sa itsura niya ngayon

Nagbigay na ng reaksyon ang vlogger na si Toni Fowler sa mga pinagkukumpara ang itsura niya noon at ngayon.

Kamakailan nga ay naging usap-usapan sa social media ang muling pagpaparetoke ni Toni Fowler. Muli kasi niyang pinabago ang kanyang itsura.

Kung saan sumailalim siya sa non-surgical procedure para ma-enhance ang hugis ng kanyang mga mata. Pati na din ang pagpapalagay ng lip fillers para ma-achieve ang bratz look.

Maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ang kinalabasan ng pagpaparetoke ni Toni. May ilan pa ngang pinagkumpara ang itsura niya noon sa ngayon.

Anila mas maganda daw ang kontrobersyal na vlogger noon sa kanyang natural look. Kumpara sa ngayon na marami na siyang pinabago sa kanyang itsura.

Nanghihinayang umano sila sa kagandahan ni Toni noon na mala-anghel pa daw ang datingan.

Matapos ngang maglabasan ang mga old photos ni Toni at mag-trending ang kanyang before looks. Umalma siya sa mga natatanggap na batikos.

Sa kanyang Tweet, proud niyang ibinahagi ang kasalukuyan niyang itsura. Aniya sa caption, “Mas maganda daw ako dati kesa ngayon, Me ngayon:”

Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon na mas maganda nga siya ngayon. Buong suporta din ang ipinakita ng mga ito.

May mga nagsabi din na sa kanilang paningin ay laging maganda ang kanilang Mommy Oni.

Isang estudyante nagbebenta ng pagkain sa loob ng kanilang campus para matustusan ang kanyang pag-aaral

Isang OFW bumyahe ng malayo, hindi napigilang maging emosyonal ng makita si Lyca Gairanod sa Dubai