in

Toni Fowler nakatanggap ng 32-million worth of life insurance mula sa nobyong si Vince Flores

Nakatanggap ng P32-million worth of life insurance para sa kaniyang kaarawan si Toni Fowler mula sa kasintahang si Vince Flores.

Trending nga ngayon sa social media ang sikat na couple vlogger na sina Toni at Tito Vince. Kakaibang regalo kasi ang ibinigay ng binata para sa birthday ng nobya.

Sa vlog ni Toni sa YouTube, ipinakita nito ang kanyang birthday celebration. Nang part na ng bigayan ng gifts ay umeksena na si Tito Vince.

Aniya, ayaw niya sanang maging agaw eksena, pero dahil bongga ang regalo ng ex ni Toni na si Rob Moya na isang arcade. Hindi daw siya magpapatalo bilang siya ang kasalukuyang karelasyon ni Toni.

Pagbabahagi ni Vince ay matagal daw niyang pinag-isipan kung ano ang ibibigay niya sa kasintahan. “Pumasok ako sa isang relasyon na mommy na siya and itong regalo ko na ‘to like hindi lang din para kay jowa kundi para kay baby rin,” saad ni Vince.

Hanggang sa inabot niya ang isang paper bag kay Toni na naglalaman ng malaking halaga. “Ayoko sanang sabihin kung magkano ‘to, hindi ako para mag-flex. Ang regalo ko sayo mommy is life insurance at ang beneficiary doon ay si Tyronia,” maluha luha pang sambit nito.

Ayon kay Vince, hindi niya ito ibinahagi para ‘mag-flex’ o ipagmayabang ang kaniyang regalo, kung hindi gusto niya umanong maka-sigurado na kapag dumating ang panahon na mawala sila ni Toni sa mundong ibabaw, magiging secured ang future ng anak nito na si Tyronia.

Ella Cruz aminadong nasaktan sa mga pasaring sa kanya ni Pokwang

Skusta Clee pumalag sa viral post ni Vanessa Raval tungkol sa isang sikat na rapper