in

Toni Fowler ipinasilip na sa kanyang mga fans ang resulta ng muli niyang pagpaparetoke

Sumailalim muli sa pagpaparetoke ang vlogger na si Toni Fowler at ipinasilip na niya ang naging resulta nito.

Sa latest vlog ni Toni, binahagi niya ang procedure na ginawa sa kanyang mata.

Nagpakalikot sa bandang mata si Toni para ma-achieve ang fox eyes look, na saad niya’y biglaan lang.

“Kasi po, ever since, ganyan ‘yung mata ni Mommy Oni, malungkot po talaga,” dahilan ng vlogger. “At syempre, gusto ko talagang ma-experience ‘yung mataray look.”

Bukod sa kanyang mata, nagpagawa rin ng labi si Toni para malagyan ng filler. Sa madaling sabi dalawang procedure in a day ang kanyang ipinagawa.

Nagbigay naman si Toni ng pahayag sa mga kumekwestyon sa mga pinapagawa niya sa kanyang katawan.

Aniya, ginagawa lang niya ang nagpapasaya sa kanya dahil buhay naman niya iyon. At walang sinuman ang pwedeng kumontrol sa kanya.

Ang maachieve daw ang mga looks na gusto niya ay talagang nakakapagbigay saya sa kanyang pagkatao.

 

Ayon pa kay Toni sana daw ay maging masaya na lang ang mga viewers at fans niya sa kanyang mga ginagawa. Hiling umano niya ang suporta ng mga ito tulad ng suporta ng anak niyang si Tyronia.

Na nagsabing masaya siya kung saan masaya ang kanyang Mommy Oni.

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Toni:

Hanger Mayaman Version: Hanger ni Heart na may mamahaling brand, kinagiliwan ng netizens “hindi ako aaray kapag yan pinalo sakin”

Angeline Quinto ipinasilip ang nabiling property sa Alfonso Cavite