in

Tom Rodriguez at Carla Abellana, naka follow na ulit sa isa’t-isa sa Instagram

Tom Rodriguez at Carla Abellana, naka follow na ulit sa Instagram ng isa’t-isa.

Nakahinga ng maluwag luwag ngayon ang mga fans nina Carla at Tom sa kabila ng usap-usapan na nagkakalabuan na umano ang dalawa.

Tatlong buwan pa lang kasi ang nakakalipas simula nang ikasal ang showbiz couple. Pero nabalutan agad ito ng usap-usapan na hindi agad maganda ang kanilang pagsasama.

Sa mga nakalipas na araw, maugong sa social media ang real life couple na TomCar. Marami kasi sa kanilang fans ang nakapansin na wal na daw silang posts na magkasama.

May mga fans din na nakapansin na hindi na umano suot ng Kapuso actress ang kanyang wedding ring. Bukod pa dito, napag alaman din na nag unfollow sa isa’t-isa ang mag-asawa sa Instagram.

Lalong umingay ang haka-haka na may malaking problema nga ang mag-asawa dahil dito. Matatandaan na may cryptic post din sa Instagram si Tom na lalong nagbigay dahilan sa fans na mag-isip.

Sa nasabing post, maririnig ang mga linya na tila tumutukoy sa pag-alis at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Pero ngayong araw, January 26, muling naka follow na sa isa’t-isa sina Carla at Tom. Tahimik naman ang dalawang panig tungkol sa isyu na hiwalay na umano sila.

Bea Alonzo may prangkang sagot sa netizen na nagsabing dapat bumuo na rin siya ng sarili niyang pamilya

Hiwalayan diumano nina Tom Rodriguez at Carla Abellana third party ang dahilan ayon kay Cristy Fermin