in

Tindero ng balut sa Cavite nakatanggap ng brand new na motorsiklo galing sa kanyang mga suki

Laking gulat ng tindero ng balut ng bigyan siya ng Motorsiklo ng isang lalaki sa loob ng Motorshop.

Sa panahon ngayon, ang pakikipag kapawa tao ang pinaka mahalaga.

Sa pinagdadaanang problema ng sangkatauhan laban sa pandemya ang pagtulong sa kapwa ay nagiging inspirasyon sa marami.

Faith in humanity kumbaga, upang patunayan na kahit anong hirap ng bu’hay ay may pag-asa.

At ito nga ang pinatunayan ng isang motorshop sa Rosario Cavite.

Viral ngayon sa social media ang kabutihang loob na ginawa ng Jdp MCshop sa isang balut vendor.

Bingyan nila ito ng brand new na motorsiklo upang magamit niya sa gabi-gabi niyang pagtitinda ng balut.

Upang maitaguyod niya ang kanyang pamilya.

Sa ulat ng CAVITE CONNECT ang lalaking nagbigay ng Motorsiklo ay si Renz Marlon Gollaba Mateo.

Pinapasok umano nila sa shop ang balut vendor para bumili, kinamusta niya ito at sinabing bibigyan niya ito ng Motorsiklo.

Naikwento raw ng balut vendor na walong taon na siyang nagbebenta ng balut gamit ang kanyang bisikleta at ang kinikita niya dito ay pampagamot sa kanyang asawang may sa’kit.

Kaya naman laking gulat at pasasalamat daw nito ng sabihin ng grupo ni Mateo na bibigyan siya ng mga ito ng motorsiko.

Bukod sa Motorsiklo ay binigyan din siya ng Cash para pandagdag umano sa gastusin.

Sa post naman ng Jdp MCshop ay ibinahagi nito kung sino sino ang mga taong nasa likod ng pagtulong sa balut vendor.

Ang kanilang post ay agad namang umani ng papuri mula sa maraming netizens.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Godjob po mga sir hehe sana marami blessing pa dumating saiNyo more customer papo sana”

“wow sobrang bait naman to team nato saludo po ako sainyo”

“God bless you sir..sana madami pa kayo matulungan”

Nakilala naman ang balut vendor na si Raymund Malondra.

Silipin ang mala-fairy tale na pamumuhay ngayon ng dating aktres na si Jewel Mische

Mariel Padilla aminadong hindi kaya na wala ang kanilang mga kasambahay