in

TikTok video nina Julia Barretto at Xian Lim na magkasama usap-usapan ngayon sa social media

Agaw atensyon ngayon sa social media ang viral TikTok video nina Xian Lim at Julia Barretto na magkasamang nagsasayaw.

Umani agad ng higit 1 million views ang nasabing TikTok video na ipinost ni Xian sa kanyang TikTok account.

Tinawag ni Xia na budol dance ang sinasayaw nila ni Julia. Agad naman napansin ng maraming netizens na may chemistry umano ang dalawa.

At syempre nabahiran agad ng kontrobersiya ang masaya lang sanang pagsasayaw nina Julia at Xian. Hindi naman kaila sa publiko na ang mga kasintahan nila ngayon na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay may nakaraan.

@awkwardchinitobudol dance with @juliabarretto 🤣 #fyp♬ original sound – Alexander Xian Lim

Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:

“In fairness may chemistry pala silang dalawa noh? Sana kung wala lang mga intriga, mukhang maganda ang tandem nila. Sana maisip ng fans na trabaho lang yan. Goodluck po sa lahat ng cast at bahagi ng movie na Bahay na Pula!”

“Naalala ko tuloy nong nagkasama sina Julia at Xian sa PMPC Star Awards 2018. Nagbiro pa siya kung Kuya o Tito ang itatawag kay Xi. Ngayon kasama niya na sa pelikula.”

“Oh no, Kim kabahan ka na kasama na ni Julia si Xian alam na”

“Hala exchange partners na ba ito? Kim ingatan mo si Xian remember si Julia yan”

Kasalukuyang may ginagawang pelikula sina Xian at Julia kasama si Marco Gumabao. Kaya naman madalas makikitang magkasama ang dalawa.

Hindi naman nila alintana ang iniisip ng mga netizens tungkol sa kani-kanilang mga karelasyon.

Karen Reyes nagbigay paalala sa kapwa niya mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang bunsong anak

Engrandeng wedding reception ng kasalang Ellen Adarna at Derek Ramsay kinagiliwan sa social media