in

TikTok personality na si Hazel Grace Edep ipinakulong ang lalaking nakapulot ng kanyang cellphone

Usap-usapan ngayon sa social media ang TikTok influencer na si Hazel Grace Edep.

Ito ay matapos niyang ipakulong ang lalaking nakapulot umano ng kanyang cellphone.

Sa post ni Hazel sa kanyang TikTok video, sinabi niya dito na nawala ang kanyang phone kaya nanawagan siya ng tulong.

Sinabi pa niyang bibigyan niya ng reward ang sinumang makakita at magsauli nito.

At nitong nakaraang araw lang ay may lalaking nakapulot ng kanyang cellphone na nagngangalang Angelito Martin Amor.

Nagpakita si Hazel kay Martim para kunin yung cellphone at ibinigay naman daw ang pinangakong reward. Ngunit nang tinanggap na ng lalaki ang reward, agad siyang pinosasan at ikinulong dahil sa ‘R0b’bery Ext0rti0n”

Kasunod ng pangyayaring ito, nagpost ang kapatid ni Martin at sinabi niya rito na isang hamak lang na tricycle driver ang kanyang kapatid na nagmamalasakit lang kay Hazel.

Kaya naman umani ng batikos si Hazel sa social media.

May ilan pang nagsabi na dahil sa kanyang kapabayaan ay may inosenteng tao ang nadamay.

Nagpakita lang umano ng kagandahang loob ngunit napasama pa ang pagtulong nito.

Samantala, nagpost naman ang kasintahan ni Hazel na si Jhon Michael Cuizon upang ipaliwanag ang buong pangyayari.

Aniya, nagpunta sila ni Hazel noong July 14, 2021 sa Divisoria sa Manila at napansing nawala ang cellphone nito.

Tinawagan nila ang cellphone ni Hazel at sumagot ang isang lalaki, sinabi nina Cuizon na P7,000 ang pabuya ngunit P50,000 ang ‘di umanong hinihingi ng lalaki at sinabing pupuntahan sa bahay si Hazel para kunin ang pera at baka mag’aha’sa pa raw niya ito.

Kaya nama’y nagpunta sila sa CIDG para humingi ng tulong. Tinulungan silang ma-entrap ang lalaki nang makipagkita sila rito para maibigay ang pabuya at makuha ang cellphone.

Narito ang kabuuan ng post ni Cuizon:

Mother Sitang nag-flex ng new look after her cosmetic surgery sa isang photoshoot

Andi Eigenmann naging emosyonal sa kauna-unahang birthday party niya sa Siargao